Things of the Past

5 0 0
                                    

Jun's POV

*tok tok tok*

Nasa bahay ako ngayon at hinihintay si Kiel na umuwi. Hinahanap parin siguro nya si Cielo. Saan na ba kasi ang batang yon?

*tok tok tok*

ano ba yan? Kanina pa yan ah.

'Manang! Baka pwede naman siguro nyong pagbuksan yong nasa pinto!' malakas na sabi ko.

'Opo ser!' narinig kong pasigaw na sagot nya.

'Ay naku ser! Anong nangyari sa inyo?!' narinig kong tarantang sigaw ni manang.

Lumabas ako para tignan yon at nakita ko si Kiel na nakaakbay sa isang babae.

'Kiel!' nag-aalala kong tawag.

Agad akong lumapit sa kanila at kinuha si Kiel mula sa babae. May mga mantsa ng dugo ang damit nilang dalawa.

Gising si Kiel pero tahimik sya. Mapapansin ang panghihina nya sa mukha palang nya. Pagkakuha ko sa kanya ay tuluyan na syang nawalan ng malay.

'Anong nangyari?' tanong ko.

Hindi makatingin ng diretso saakin ang dalaga na kasama ni Kiel.

Pinakuha ko ang first aid kit kay manang at pinahiga ko na muna si Kiel sa kwarto niya.

Doon na rin kami nag-usap sa kung anong nangyari.

'Ako si Michael Jun Montero, kuya ni Kiel.' pagpapakilala ko.

'Ako naman po si Ariela Roché Nicole I. Escola, kaklase at kaibigan po nina Kiel at Cielo.' magalang na pagpapakilala nya.

'Bakit ang daming sugat at galos ni Kiel?' mahinahong tanong ko.

'Kasi po...' malungkot na simula ng dalaga.

Ikinwento nya lahat mula nang makita nya sina Kiel at Cielo na nagpapatayan, nong tinali nila si Cielo, yong pagtakas nya at yong banda kung saan nya binigyan ng gamot si Kiel.

'H..hindi magagawa ni Cielo ang nga pinagsasabi mo. Sa sandaling panahon na nakasama namin sya, alam kong mabait syang bata.' hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.

'Alam ko din naman po eh. Naging kaibigan ko din po si Cielo at alam kong hindi nya magagawa yon pero ginawa nya sa mismong harapan ko.' sabi ni Ariela.

Hindi na ako nakasagot at napatingik nalang ako kay Kiel. Di na sya kasing putla nong kanina. Bumabalik na ang dating kulay nya.

'Kiel!' napatingin kami kay Lisa sa may pinto. Hingal na hingal sya. Siguro ay tumakbo sya papunta dito.

'Lisa...' yon lamang ang nasambit ko. Agad nyang nilapitan si Kiel at hinawakan ang kamay nito.

'Anong nangyare Michael?' nag-aalalang tanong niya.

Katulad ko, hindi rin makapaniwala si Lisa sa narinig nya pagkatapos kong ikwento ang lahat.

Umiyak si Lisa kaya pinakalma ko na muna sya sa labas. Natagalan din kami doon.

Pagbalik namin sa kwarto ni Kiel, nandon pari  si Ariela na nagbabantay kay Kiel.

'Salamat sa pagmamalasakit mo kay Kiel, Ariela.' pormal kong sambit.

'Ah... wala po yon tsaka magkaibigan naman po kami.' magalang na sagot nya.

Magkatabi kami ni Lisa na umupo sa harap ni Ariela.

'Huwag nyo po sanang mamasamain yong tanong ko pero bakit po kayo nagsinungaling kay Kiel?' tanong nya.

'Ha?..' tanong ko.

'Bakit nyo po sinabi na ngayong taon ang unang taon na pumasok sya sa paaralan?' dagdag na tanong nya.

'Paano mo naman nalaman yan?' tanong ni Lisa.

'Pinakita po kasi sakin ni Cielo yong photo album ni Kiel last year.' simula nya 'Hindi po ba yong paaralan na pinasukan dati ni Kiel eh...'

'Pasensya ka na iha pero hindi namin masasagot ang tanong mo.' biglang singit ni Lisa.

'Ah, ayos lang po.' tumayo si Ariela. 'kailangan ko na pong umuwi. Madilim na rin po kasi eh.'

'Ihahatid na kita.' pagpiprisinta ko.

'Salamat po sa alok.' sagot nya.

Bumaba na agad kami papunta sa parking lot. Si Lisa na muna bahala kay Kiel.

'Aldreich Humph Private School' narinig kong sabi ni Ariela.

Sa gulat ko, wala akong nasabi.

'Masacre Tragedy of the Decade' dagdag nya.

'Ariela..?'

'January 27 2025, Monday'

Bakit nya ba binabanggit ang mga yon?

'Nong araw na yon, maraming namatay sa kamay ng mga terorista... at kasama doon, ang ate Roche ko.'

Napalitan ng lungkot ang nadarama kong kaba kanina.

...flashback...

'Cheers!' masayang sabi ng mga katrabaho ko. Nasa isang restaurant kami malapit sa opisina.

'Congrats dude, napromote ka nanaman. Ang galing mo talaga.' sabi ni Jiro.

'Salamat pare.' sagot ko.

*kring, kring*

'excuse me, sasagutin ko lang to.' pagpapaalam ko sa kanila bago ako lumabas.

'hello' bati ko

[Michael...] si Lisa... umiiyak sya.

'Anong problema?' tanong ko.

[buksan mo yong tv.] mahinang sagot nya.

Pumasok ulit ako sa resto at pinabukas ko yong tv.

[Kasalukuyan pong nakikipag-negosasyon ang pamahalaan ng paaralan ng Aldreich Humph Private School sa mga terorista para pakawalan ang mahigit isang libong estudyante na nasa loob pa ng paaralan---] sabi nong reporter na babae sa tv

'Aldreich Humph...'

'..diba doon nag-aaral ang kapatid nyo sir?'

'Pasensya na pero kailangan ko nang umalis.' pagpapaalam ko bago ako pumunta sa garahe at nagpunta sa paaralan nina Kiel.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Two Of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon