Chapter 12

1.3K 39 6
                                    

Umiikot pa rin ang mundo ni Brian kahit pa nakapikit na siya. Pilit niyang pinapakiramdaman ang nangyayari. Lalo na't alam niyang nasa loob rin ng kanyang kwarto ang taong kanina lang ay nangakong hindi siya iiwan.

Oo. Inaamin niyang hindi pa rin humuhupa ang sobrang sama ng loob na nararamdaman niya sa kanyang ina. But knowing that there's someone like Eros who's willing to stay just for him, tinutunaw niyon ang galit niya. Never in his life na nagmakaawa siyang huwag iwan ng isang tao kay Eros lang at aaminin niyang sobra niyang ikinatuwa na hindi siya tinanggihan nito.

"Ngayon ko lang siya nakitang umuwing ganito kalasing sa ilang taon kong paninilbihan sa kanya. At mukhang alam ko na ang dahilan."

Kahit halos gulay na siya sa sobrang kalasingan ay hindi naman naging sapat iyon para pahintuin ang kanyang mga senses. Ramdam niya ang lungkot sa boses na iyon ni manang Delia.

"Nagpapasalamat na lang ako at hindi mo sinabayan ang paglalasing niya, Eros. Dahil kung nagkataon, baka hindi na kayo nakauwi pa rito ng ligtas sapagkat alam kong ipagpipilitan nitog batang 'to na siya ang magmamaneho."

"Dahil alam ko naman po na hindi kainuman ang kailangan niya nang tawagan niya ako kanina at papuntahin sa bar kung hindi makakausap, eh."

"Habang tumatagal, lalong lumalala ang away nila ng kanyang ina." Ang narinig niyang mas lalong lumungkot na wika ni manang Delia. "Ewan ko ba naman kasi kung bakit mas pinapanigan pa ni maam ang Xander na 'yon na wala na 'atang ibang alam gawin kung hindi saktan itong alaga ko."

Hinintay niya ang magiging komento ni Eros sa sinabing iyon ni manang Delia subalit wala siyang narinig dito. Tuloy, napilitan siyang idilat ang kanyang mga mata para lamang mahuli niya itong matamang nakatitig sa kanya.

He was taken aback. Parang biglang huminto ang literal na pag-ikot ng mundo niya dala ng pagkahilo  nang magtama ang kanilang mga mata. Naroon na naman kasi ang kakaibang ekspresyon sa mga mata nito na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa kanya.

"Nahihilo ka pa ba?" Tanog nito na siyang nagpabalik sa kanya sa totoong mundo. Punong-puno ng pag-aalala iyon. Hindi tuloy niya maiwasang ma pantastikohan kung papaanong ang isang tulad nito na halos ilang araw pa lamang niyang nakikilala ay nagpapakita ng pagpahalaga sa kanya samantalang ang kanyang ina na siyang nagluwal sa kanya ay hayon at wala ng ibang ginawa kung hindi ang husgayan ang mga ginagawa niyang pagtatanggol sa sarili.

Mariin siyang pumikit para iwaksi sa kanyang isipan ang issue niya sa kanyang ina. He had enough of disappointment for this day. Gusto na lang muna niyang pansamantalang makalimot. Hindi nga ba't iyon naman ang dahilan niya kung bakit siya nagpakalango?

9 Mornings Book2: Brian RamirezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon