Chapter 21

1K 32 1
                                    

Napapailing si Brian sa kanyang mga natuklasan sa ginawa niyang pagbisita sa matalik na kaibigan ni Eros. Minamaneho na niya ngayon ang daan pabalik sa kanyang bahay at hindi pa rin niya magawang mapaniwalaan ang lahat. Isang napakalaking pasabog para sa kanya ang malaman na isang taong naglalako ng katawan ang matalik na kaibigan ni Eros at may gusto rin ito sa kanyang kasintahan.

Kanina, ay pinili niyang hindi kumpermahin ang nakita niya sa mga mata ni Russel. Subalit nasisiguro niyang selos iyon. Ilang beses na niya iyong nakita sa mga mata ng kanyang mga kaibigan sa tuwing may aali-aligid sa mga kasintahan at asawa ng mga ito.

"Hindi nga ako nagkamali. That moment sa airport noong unang sumayad ang tingin niya kay Eros, hindi 'yon tingin ng isang kaibigan." Pagkakausap niya sa sarili nang bumalik sa kanya ang tagpo kung saan palabas pa lamang si Russel ng airport.

"But can I blame him? Kung ako nga, ay na bihag ng isang 'yon sa kabila ng mga pagtanggi ko, siya pa kaya? Tama si Dave, there's something special with Eros. He's a natural charmer at hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa 'yon. Dahil ibig sabihin niyon, marami akong pwedeng maging karibal. But there's no way in hell na hahayaan kong may makakuha sa kanyang iba. Ngayon pa't masaya na ako."

Hindi niya sukat akalain na magiging ganito siya ka secured sa piling ng isang kapwa niya lalaki. All his life he was longing for a relationship that will last for a life time.  Isang klase ng relasyon na magpapasaya sa kanya and at the same time makakapagparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa.  And he thought na ang may kakayahan lang na magbigay sa kanya niyon ay isang babae, but he was wrong. Hindi niya dapat linilimitahan ang sarili niya dahil pagdating sa pag-ibig, walang imposible.

"Bakit?"

"Anong bakit?" Nakangiti namang balik tanong ni Brian kay Eros habang binabagtas nila ang daan papuntang simbahan.

"Kanina kapa panay tingin sa akin. May problema ba? Tungkol pa rin ba iyan sa pagkakatanggal--"

"No. Hindi na tungkol sa bagay na 'yon." Nakangiti niyang pagputol rito. "I just love seeing you wearing my shirt. It's as if you really belongs to me at walang pwedeng makaagaw sa'yo sa akin."

Nang magising ito gawa ng pag-alingaw-ngaw ng kampana at ma-realize nitong nasa bahay niya ito ay natataranta itong bumangon at namuroblema sa isusuot nito. Dala siguro ng kapaguran sa nagdaang araw ay nawala sa isip nito ang simbang gabi. Kaya damit niya ang ipinasuot rito na gustong-gusto naman niya. 'Coz it satisfy him. Pakiramdam niya ay sa kanya lang talaga ito.

Pinamulhan naman ito at biglang napayuko.

Inabot niya ang kamay nito at marahan iyong pinisil. Hindi na niya talaga pwedeng i-deny pa na mahal na nga talaga niya ito. At ang pagmamahal na 'yon ang rason kung bakit pinili niyang huwag na munang sabihin rito na alam na niya ang buong kwento sa likod ng pagkakatanggal nito sa trabaho sapagkat alam niyang hindi iyon makakabuti rito sa ngayon. Iyon din ang bilin niya kay Russel at hindi naman nito iyon tinutulan.

9 Mornings Book2: Brian RamirezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon