Chapter 25

1K 29 1
                                    

“Ang tigas talaga ng mukha ng pinsan mong 'yon. Nabugbog mo na’t lahat, hindi pa rin nadala.” Komento ni Dave matapos niyang isalaysay ang mga ikinuwento sa kanya ni Eros nang sadyain ito ng tinamaan ng lintik niyang pinsang si Xander.

“Ano ba ang problema ng isang 'yon sa’yo, pare? Bakit ba gustong-gusto niyang agawin sa’yo ang lahat ng meron ka?” Tanong naman ni Rome.

“Hindi ko alam.” Pagsasabi niya ng totoo dahil wala naman talaga siyang maisip o maalala na may nagawa siyang masama rito para paginitan siya nito ng husto.

“Baka hindi nasalo ng doktor noong iluwal siya dito sa mundo kaya may saltik.” Ngingisi-ngisi namang wika ni Claude.

“Tulad ng nangyari sa’yo, kuya?” Basag dito ng pinsan nitong si Matt dahilan para batuhin ito ng nilamukos na tissue ni Claude na ginantihan naman nito.

“Alam ni Xander kung gaano katindi ang damdamin ni Eros para sa’yo, and he tend to use it para mapapayag niya ito sa gusto niyang mangyari.  What a dirty trick.” Pagbabalik ni Vincent sa usapan.

Napatingin siya sa gawi kung saan niya pansamantalang iniwan ang kasintahan.

“Kaya nga malaki ang pasasalamat ko na hindi kinagat ni Eros ang kalokohang iyon ni Xander. Sa kanya lang ako naging ganito ka saya at ka-secured. Hindi ko 'ata kakayanin na mawala siya sa akin.”

“Ngayon alam mo na ang pakiramdam ng totoong pagmamahal. 'Di ba ang saya?” Nakangiting wika ni Red.

“Sobra!” Nakangiti rin niyang tugon.

“Paano 'yan? Paniguradong iisip na naman ng panibagong paraan ang pinsan mong 'yon para sirain ang meron kayo ni Eros.” Si Chuckie.

“Kahit ano pang paraan ang maisip niya, hindi niya masisira ang meron kami.” Puno ng kompyansiya niyang sabi.

Napagkasunduan na nila ni Eros na kahit ano pang problema ang ibato sa kanila ng tinamaan ng magaling niyang pinsan ay magkasama nilang haharapin. Nangako rin sila sa isa’t isa na kahit kailan ay hindi sila bibitiw at hahayaang magtagumpay si Xander kaya malakas ang loob niya. Kasing lakas iyon ng tiwala niya kay Eros.

“Teka teka! Kailan ba nagsimula ang pakikibaka mo kay Eros?” Curious namang tanong ni Matt.

“This month.” Ngingisi-ngising tugon ni Dave.

“Ngayong buwan lang?” Nagulat na wika ni Nhad. “Paano nangyari?”

“Kung may isa pang tao akong kilala na kayang pantayan ang galing ko sa pagmamanipula, si Dave iyon. So I’m pretty sure na kagagawan niya ito.” Wika ni Maki saka ito bumaling sa kanyang kaibigan. “Tama ba ako?”

“I was bored. So I try to do some experiment.” Kaswal na sagot ni Dave.

“At ako ang ginawa mong subject?” Di niya makapaniwalang naibulalas.

Ngumisi ito ng nakakaloko.

“Gusto ka lang niyang maging masaya.” Kaswal namang sabat ni Nico.

“Shut your mouth Nicollo.” Saway ni Dave rito.

“Totoo naman di ba? Sinadya mo silang pagtagpuin dahil alam mong kakabugin ng nararamdaman ni Eros si Brian. At malaki ang posibilidad na magkakagustohan sila. Sinadya mo ring hindi ipaalam kay Brian na matagal mo ng alam na hindi konektado si Eros kay Xander para magkaroon ng katuparan ang plano ni Eros na makuha ang interes ni Brian.”

Nangunot ang noo niya sa mga narinig kay Nico at napatingin kay Dave may pagtatanong sa kanyang mga mata. Bigla niyang naalala ang naging usapan nito at ni Chuckie noon sa bahay niya bago niya unang makilala si Eros.

9 Mornings Book2: Brian RamirezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon