Chapter 24

1.1K 34 3
                                    

Batid ni Eros na wala na siyang takas sa binabalak ng kanyang magaling na kasintahan. Desidido talaga itong mapatunayan niya na hindi siya umiiwas na may mangyari ulit sa kanila. Kung bakit naman kasi huli na nang malaman niya ang tunay na intensyon ng pagda-drama nito. Napasubo tuloy siya ng wala sa oras.

But he can’t also deny the fact na excited rin siya sa mangyayari. Kaya nga hindi siya mapakali habang nakaupo sa gilid ng kama nito at hinihintay itong matapos sa paliligo. Kung tama kasi ang pagkaka-alala niya noong unang may mangyari sa kanila, kaya nitong patirikin ang mga mata niya. Oo, ganoon ito ka eksperto sa larangan ng kamunduhan na hindi na niya ikinataka pa dahil matagal na niyang alam na talentado ito masyado.

“I’m ready Spidy!”

Halos malaglag siya sa kinauupuan sa pagkataranta nang marinig ang boses nito mula sa loob ng banyo. Kasabay niyon ay naglaho ang tunog ng lagaslas ng tubig na nagmumula sa dutsa. Lalo siyang nag-panic at pinagpawisan ng malamig. Kung iyon ay dahil sa kaba o sobrang excitement, ay hindi niya alam. Kung anu-ano na ring imahe nito ang naglalaro sa kanyang isipan.

Ilang saglit pa ay bumukas ang pintuan ng banyo na dahilan para mabaling doon ang kanyang tingin. Doon nagkaroon ng katotohanan ang mga imahe nito sa kanyang isipan. Mga imaheng dahilan kung bakit siya hindi mapakali.

Napalunok tuloy siya ng wala sa oras.

“Sexy ba?” Ang nang-aakit nitong tanong sabay himas nito sa batok na nilakipan pa nito ng pagkagat ng pang-ibabang labi. Inaakit talaga siya nito!

“Ah…” Seeing Brian exposing his well developed shoulder, bulging biceps and powerful chest na pinalamutian ng maninipis na bahok, shutdown his mind dahilan para hindi siya makapag-isip ng sasabihin. Hindi lang ito biniyayaan ng magandang mukha, binigyan rin ito ng katawan that can compete to a demigod.

Naglakad ito papalapit sa kanya dahilan para maglandas ang mga butil ng tubig mula sa dibdib nito pababa na siya namang awtomatikong sinundan ng kanyang mga mata.

“God! How can you be this sexy?” Ang wala sa sarili niyang paanas na sabi. Tuluyan na talaga siyang nawala sa katinuan. Ni hindi nga niya namalayan na nasa harap na pala niya ito.

Brian took his both hands at inilalayan siya nitong tumayo saka nito ipinatong ang kanyang mga palad sa dibdib nito at hinapit siya sa kanyang bewang.

“Sa lahat 'ata ng papuring ibinigay mo sa akin, ang sinabi mo ngayon ang  pinakagusto ko.”  Wika nito sabay bigay sa kanya ng isang matamis na halik.

Muli siyang tinanggalan ng kakayahang makapagsalita. Ang tanging nagawa lamang niya sa mga oras na iyon ay mapatitig ng husto sa mga mata nito na nakatitig rin sa kanya na punong-puno ng pagmamahal. Aaminin niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na tuluyan na ngang ibinigay sa kanya ng may kapal ang taong ito.

Brian once again claim his lips and this time, nagawa na niyang tumugon. They exchange kisses at unti-unti siyang nare-relax. When Brian’s lips move to his neck, ay kusang gumalaw ang kanyang kaliwang kamay papunta sa batok nito at marahang napasabunot sa buhok nito doon.

Halatang nagustohan nito ang naging reaksyon niya nang magpakawala ito ng mahinang ungol at kasunod niyon ay naramdaman niya ang paggalaw ng mga kamay nito papunta sa laylayan ng kanyang suot na damit.

Pinutol nito ang kanilang halikan. Magtatanong na sana siya kung bakit ito tumigil nang itaas nito ang kanyang damit at mabilisan nito iyong tinanggal.

“There.” Parang kinakapos sa hangin nitong wika sabay haggis nito ng kanyang damit sa kung saan.

Akala niya ay muli nitong paghuhugpungin ang kanilang mga labi pero hindi iyon nangyari. Sa halip, pinadaanan nito ng tingin ang naka-expose na niyang katawan at nang salubungin nito ang kanyang mga mata ay doon niya nakita ang tila nag-aapoy na pagnanasa sa mga mata nito.

9 Mornings Book2: Brian RamirezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon