Chapter 17

1.3K 34 6
                                    

Maganda na sana ang tagpo sa panaginip ni Eros nang biglang gisingin siya ng malakas na tunong ng kanyang alarm clock. Pupungas-pungas siyang napabalikwas ng higa at naririnding pinatay ang bagay na sumira sa maganda niyang panaginip.

“Naku naman! Ang galing naman ng timing!” Naiinis niyang naibulalas saka parang wala sa sariling tumingala at muling ninamam sa kanyang isipan ang panaginip na naputol.

Napangiti siya ng matamis.

“Kahit talaga sa panaginip, ang guwapo-guwapo pa rin ng Brian ko! At ang sarap niya talagang humalik!” Muli niyang usal saka nanggigigil na isinubsob ang mukha sa kanyang unan. Paniguradong pag may taong makakakita ngayon sa kanya ay iisiping isa na nga siyang ganap na baliw.

Pero masisisi ba niya ang kanyang sarili? Ang taong laman ng kanyang panaginip ay walang iba kung hindi ang taong kanyang pinangarap noon pa man. Ang taong ni sa hinagap ay hindi niya inakalang makakadaupang palad niya at makakarelasyon.

Yes. Ang makilala ang isang Brian Ramirez at makadaupang palad ito ay isang pangarap lang na hindi pwedeng matupad para sa kanya noon. Because the dude is not just handsome, galing din ito sa may kayang pamilya. Habang isa lamang siyang normal na tao. Ang malala pa, ni halos hindi siya nag-e-exist sa mata ng lahat. Bakit? Dahil pangit siya. Walang sense of fashion at pinagdamutan ng self-confidence. But that was before. Hindi na siya ngayon ang taong dati ay siya sapagkat binabago na niya ang kanyang sarili na hindi naman niya pinagsisisihan dahil maraming magagandang bagay itong naging hatid sa kanya at ang pinakamaganda niyon ay ang makadaupang palad at makarelasyon ang taong pinangarap niya noon.

Pero gayon pa man, kahit sa kabila ng magagandang nangyayari ngayon sa kanya ay hindi pa rin niya maiwasang mabahala. Hindi niya kasi maiwasang isipin kung hanggang kalian ang itatagal ng mga ito. Lalo pa’t napakabilis ng mga pangyayari.

Marahan niyang ipiniling ang kanyang ulo. Hindi ito ang tamang oras para paghariin niya ang mga panggulo sa isipan niya. Ano mang oras ay darating na ang kanyang irog at dapat ay nakapaghanda na siya.

Dali-dali siyang lumabas ng kanyang kuwarto. Agad niyang naiyakap ang mga kamay sa sarili ng dumampi sa kanyang balat ang malamig na simoy ng hangin mula sa nakabukas na bintana.

“Brrrrrr! Paskong-pasko na talaga!” Nanginginig niyang naibulalas.

“Mabuti naman at gising kana. Ang akala ko’y kailangan pa kitang hilain sa higaan mo. Maligo kana at baka mahuli tayo sa unang araw ng misa de gallo.”

Napabaling siya sa gawi ng kusina para lamang matagpuan ang kanyang ina na abalang hinahalo ang tinimplang kape. Nakalimutan niyang hindi lamang pala siya sa bahay na iyon ang naging panata na ang kumpletuhin ang simbang gabi. At nakalimutan rin niya na inaasahan na pala ng kanyang ina na tulad ng nagdaang mga misa de gallo ay sabay silang magsisimba.

9 Mornings Book2: Brian RamirezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon