Chapter 13

1.2K 42 2
                                    

Tila pinagsakluban ng langit at lupa si Brian nang makabalik siya sa kanilang bahay. Mabigat ang kanyang pakiramdam sa isinampal sa kanyang katotohanan na nagkamali siya. Na hindi dapat niya sinabi ang mga bagay na sinabi niya sa mga kaibigan.

'Pati si Dave at Dorwin nadamay pa sa kalokohan ko.' Naiwika niya sa kanyang sarili. Habang hindi maiwasang napapailing.

Mali. Mali ang paraan niya sa pag-iwas sa katotohanang ginusto niya ang nangyari sa kanila ni Eros. Sapagkat hindi lamang ito ang nasaktan niya, pati rin ang mga kaibigan niya na kabaro nito. Tama si Red, ginawa niyang security blanket o defense mechanism ang isisi kay Eros ang lahat dahil hindi iyon kayang tanggapin ng pride at ego niya na ang naging resulta ay napasama siya sa kanyang mga kaibigan.

Muling nanariwa sa kanya ang galit sa mukha ng pinakamalapit niyang kaibigang si Dave. Iyon ang pangalawang pagkakataon na makita niya na ganoon ka galit ang kaibigan niyang iyon. Ang una, ay noong muntikan ng tuluyang mawala rito si Alex. Nasapak pa nga siya nito dahil naidaldal niya sa huling babaeng nakarelasyon nito ang tungkol sa bago nitong pag-ibig na natagpuan sa katauhan ni Alex.

"Bad-mouthing Eros like that is like bad-mouthing Alex, Dorwin and all the half-half in this world you know. Para mong pinalabas na ang mga tulad nila ay mapagsamantala at hindi kailangang pahalagahan at i-respeto."

Mahal na mahal ng kanyang kaibigan ang kasinakasama at kambal nito. Tama ang kanyang kaibigang si Chuckie. Para na rin niyang ininsulto si Alex at Dorwin sa mga nasabi niya kanina patungkol sa pagkatao ni Eros kaya hindi niya masisisi si Dave kung bakit galit na galit ito sa kanya.

'Dammit!' He said with so much frustration sabay bayo ng manibela.

Isang napakalaking pagkakamali talaga ang nagawa niya kanina. Paanong hinayaan niya ang sarili na mabulag ng sitwasyon at saktan ang mga taong siyang tunay na nagpapahalaga sa kanya? And now, he screw things big time at 'yon ay dahil lamang hindi niya matanggap na ginusto niya ang nangyari sa kanila ni Eros.

'Eros.' Biglang rumehistro sa kanyang isipan ang mukha nito at lalong namigat ang kanyang pakiramdam. 'Ano ba itong nagawa ko?'

Ang taong dinamayan siya. Ang taong piniling makinig sa mga himutok niya sa kanyang ina ay hayon at sinaktan niya. Dito niya isinisi ang isang pagkakamali na siya naman ang may gawa. Subalit pagkakamali nga ba iyon? Bakit hindi niya magawang ma-i-justify sa sarili niya?At bakit pakiramdam niya ay napakatama niyon na siyang dahilan kung bakit siya naguluhan ng husto at nag-panic.

9 Mornings Book2: Brian RamirezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon