Chapter 15

1.6K 36 8
                                    

Nagsisimula ng mapikon si Brian. Hindi na rin ma-drawing ang kanyang mukha habang tila naman walang pakialam na patuloy pa ring dumadaldal ang tinamaan ng magalig niyang kaibigang si Claude.



'This is supose to be our date. Alam mo 'yon? 'Yong kayong dalawa lang habang pinag-uusapan ang mga bagay-bagay na pwede niyong mapagkasunduan. Pero bakit may asungot ngayon na kung dumaldal ay parang ngayon lang ito nakahanap ng kakwentohan?' Himutok niyang sabi sa kanyang isipan habang masamang-masama ang tingin kay Claude na wala pa ring patid sa pagdaldal.

"Wow! Grabe pala ang pinagdaanan niyo ni Laurence. Imagine, six years kayong naghiwalay tapos heto kayo ngayon at mag asawa na?"

Ayaw man niyang paniwalaan pero iyon ang totoo. Naidaldal na ng kanyang kaibigan ang buong love story nito sa halata namang wiling-wili na kanyang kasama. Pakiramdam niya tuloy siya ang asungot doon.

"Yup! It took us six years. Pero hindi ko rin maitatanggi na dahil sa anim na taong 'yon, mas lalo ko pang minahal si Lance. Kaya nga 'di ko na pinakawalan pa, eh." Tuwang-tuwa pa ring pagbibida ni Claude sa relasyon.

"Ang suwerte naman pala niya sayo." Komento ng tinamaan ng magaling niyang kasama. Hindi niya tuloy ngayon alam kung dapat pa ba niyang isama sa mga listahan ng pagiging kakaiba nito ang pagiging magiliw sa lahat ng tao.

"Nope. Ako ang masuwerte sa kanya." Wika ni Claude sabay taas -baba ng kilay.

Humagikhik na animoy batang kinikilig si Eros na lalong nagpasimangot kay Brian. Pinagsisisihan niya na ngayon ng husto kung bakit dito pa niya ito dinala sa dinami-rami ng pomosong restaurant sa lugar nila.

Bago pa tuluyang masira ang gabi niya - ang unang date nila na alam niyang malapit ng mangyari ay nagdesisyon na siyang sumabat. Hindi lang naman kasi niya ginawa iyon kanina bilang respeto kay Claude. Lalo pa't nakikita niya kung papaano unti-unting pakalmahin nito si Eros sa pagiging madaldal nito.

"Claude, pare." Pagkuha niya ng pansin nito. Hindi naman siya nabigo sapagkat bumaling ito sa kanya. "Baka naman pwede mo na kaming bigyan ng privacy nitong date ko, no? Kung ayos lang naman." 'Di niya napigilan ang pagiging sarkastiko.

"Pagpasensiyahan mo na 'yang mister ko, Brian. Wala lang talaga iyan makulit kaya kayo ang napagbalingan." Nakuha ang pansin nilang tatlo sa taong nagsalita. Iyon ay walang iba kung hindi si Lance.

9 Mornings Book2: Brian RamirezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon