Chapter 09

1.7K 51 16
                                    

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

 

 

“Oh? Akala ko ba magpapahinga ka ngayon?” Naiwika ni manang Delia nang makasalubong niya ito sa sala at makita siyang bihis na bihis.

“Nagbago ang isip ko manang.” Ngingiti-ngiti naman niyang tugon saka kinuha sa susi ng kanyang sasakyan sa may console table.

“Paano kung tumawag ulit ang mama mo? Ano ang sasabihin ko?”

“Pakisabing nasa planet Neptune ako at nakikipaghabulan sa mga alien doon.” Nakangisi niyang balik. “Kung magtanong kung kailan ako babalik, sabihin niyong next life time pa.”

“Pagdating talaga sa mama mo, hindi kita makuhanan ng matinong sagot.” Napapailing nitong wika. “Saan ba ang punta mo?”

Sa tatlong taong paninilbihan nito sa kanya, ay halos alam na nito ang matinding tampo niya sa kanyang ina. At ang halos araw-araw nilang pagdidiskusyon.

“Makikipag-date.” Pagsasabi niya ng totoo. Iyon naman talaga kasi ang maitatawag niya sa gagawin niya ngayon. But of course, it’s just a friendly date.

“Date?” Tila napantastikuhan nitong naisambit. “Hindi ba’t kasasabi mo lang noong huling buwan na hindi kana papatol sa mga gano’ng bagay dahil wala ka namang napapalang maganda?”

Noong malaman niya ang panggagago sa kanya ni Cassandra ay ang maipamukha rito na hindi niya ito kawalan ang una niyang naging hakbang. He dated a lot na halos gabi-gabi ay iba’t ibang babae ang ipinaparada niya sa madla. Hindi niya ininda ang mga komento ng mga taong hindi nakakaalam ng totoong dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal niya. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng mga ito. Mas importante sa kanya ang maibangon ang naapakang pride niya.

Pero habang tumatagal na ginagawa niya iyon, ay unti-unting nawawala ang pleasure na nakakaganti siya sa gano’ng paraan. Na para bang linuloko lamang niya ang sarili sa ginagawa. Sapagkat wala naman siyang napapala sa mga babaeng 'yon. Ni hindi nga ng mga ito makuha ang kanyang interes, nagagastusan pa siya. That is why he decided to stop.

“Ibang date ang pupuntahan ko ngayon manang.” Ang nakangiti niyang sabi. “Mauna na ho ako’t baka maunahan ako ni spiderman.”

Ang usapan nila ni Eros ay sa Keros café na lang sila nito magkikita. Oo, ito ang katatagpuin niya ngayon. Biglaan nga 'yon. Habang nagpapalitan sila nito ng text kanina ay bigla na lamang niya itong niyayang magkape na agad namang sinangayonan nito. Pero hindi ito pumayag na sunduin niya. Nahihiya na raw itong gawin siyang driver.

9 Mornings Book2: Brian RamirezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon