Chapter 01

1.9K 46 1
                                    

HAPPY READING!

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

“Ito na ba lahat ng 'yon?”

“Yep. It took me quite some time to complete those documents. Kinailangan ko munang tapusin ang kasong hinahawakan ko.”

Isa-isang pinagmasdan ni Brian ang mga dokumentong in-abot sa kanya ng kaibigang abogado na si Dorwin.

“When worse comes to worst, magagamit mo ang lahat ng 'yan. Na-notarize na 'yan. So all that documents are legal.” Wika ulit nito.

“Salamat ng marami dito, Dorbs. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala akong kaibigan na tulad mo.” Ngingiti-ngiti niyang sabi.

“Huwag mo na akong bolahin, Brian. Nangako kaming tutulungan ka sa abot ng makakaya namin. Hanggang diyan lang ang kaya kong maitulong. Sina Dave na at ang iba ang bahala sa mga susunod mong hakbang.”

“It’s more than enough.” Nakangiti niyang tugon.

“Malaki ang naging impact sa’yo at sa kumpanya mo nang mag-backout ka sa kasal six months ago. At ang ikinatataka ko, ay kung bakit hindi mo sinabi sa publiko ang totoong dahilan ng pag-atras mo sa kasal. You can use the pictures we have against them. Pwede nating ibalik sa kanila ang eskandalo.”

“Para ano? Para gawin akong katawa-tawa sa mata ng tao at sa mga empleyado ko? May mas maganda akong plano, Dorbs. At malapit na akong magsimula.” Tugon naman niya rito.

“You have lost some of your clients. Bumaba rin ang sales ng kumpanya dahil sa nangyari specially when you took all the blame. At ang walang hiya mong pinsan, ay mukhang naghahanda na para sa pagbagsak mo. Are you sure you know what you’re doing?” Bakas ang pag-aalala nitong sabi.

“Ano ang balak niyo ngayong pasko, Dorbs?”

Naguguluhan itong napatingin sa kanya. Marahil ay dahil bigla niyang iniba ang usapan.

“The month of December is coming its way. Ilang araw na lang 'yon. May naisip na ba kayong mga pakulo?” Nakangiti niyang muling wika rito.

“Hindi pa napag-uusapan. Ang mga girls naman ang nakatoka sa pagpa-plano niyon. At lahat naman tayo ay i-inform once na finalize na nila ang lahat at hindi pa iyon nangyayari dahil masyado pang busy ang ilan sa atin.”

“Tingnan mo nga naman, no? Noon, kapag ganitong papalapit na ang December ay hindi na tayo magkamayaw sa pagpa-plano kung anong mga kalokohan ang balak nating gawin. Naalala ko pa 'yong panahon na sama-sama tayong nagka-carolling sa village ninyo para makalikum tayo ng pera pang inum natin. Ngayon, kailangan pang i-check ang mga availability natin bago makapag-plano ng isang masayang inuman.”

“Dahil may mga priority na tayo at mga taong umaasa sa atin. Hindi tulad dati na pa-easy-easy.” Tugon naman nito bakas ang pagsang-ayon.

”Minsan tuloy, hindi  ko maiwasang maitanong sa sarili ko kung bakit kailangan pang magbago ang lahat. Is it really impossible to live an easy life? 'Yong klase ng buhay na walang masyadong iniisip na problema?”

“Nasa sa’yo 'yon.” Tugon nito. “Kung hindi mo masyadong bibigyan ng pansin ang mga problema sa mundong ito, magiging madali sa’yo ang lahat.”

Mataman niya itong tinitigan. Tulad ng iba pa niyang kaibigan ay nakikita niya sa mga mata nito ang kakontentohan sa buhay. Tuluyan ng nabura rito ang masamang nakaraan nito.

9 Mornings Book2: Brian RamirezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon