Chapter 02

1.5K 45 2
                                    

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

Kay bilis ng panahon. Pitong buwan na ang nakakaraan nang masangkot si Brian sa eskandalong malaki ang naging epekto sa buhay niya. Isang pangyayari na nagturo sa kanya ng maraming bagay at isa na doon ay ang hindi magpadalos-dalos ng desisyon. Ngunit sa nagdaang mga araw at buwan. Hindi nabago ang galit at matinding pagkasuklam niya sa mga taong hindi lamang ininsulto ang kanyang pagkatao kung hindi pati na rin ang kanyang kakayahan.

Aaminin niyang may mga pagkakataon na napapaisip siya kung dapat pa ba niyang gawin ang lahat ng iyon –ang ipaghiganti ang sarili na hindi naman niya ugaling gawin. Subalit sa tuwing ma-aalala niya ang mga kasalanang ginawa ni Xander, biglang nasisindihan ang galit niya para rito. Dapat itong maturuan ng leksyon at walang ibang makakagawa niyon kung hindi siya kahit pa man ang kapalit niyon ay ang pagkasira ng relasyon ng pamilya nito at ng pamilya niya.

“Sir, na-schedule na po ang araw ng Christmas party natin.” Binasag ng kanyang sekretarya ang kanyang malalim na pag-iisip.

Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa kanyang mukha.

“Nice! Kailan daw ba?” Sanay ang kanyang mga empleyado sa pagiging palangiti at masayahin niya. Taliwas sa kanyang matalik na kaibigang si Dave na seryoso at pinanatiling professional ang pakikitungo sa mga empleyado nito.

“Sa eighteen sir.” Nakangiti rin nitong tugon sabay bigay sa kanya program.

“Ayos, ah. So, sino ang magiging date mo sa party, Enes?”

“Para namang may pagbabago sir. Syempre ang boyfriend kong kumag.”

Ang Christmas party ng kompanya nila ay hindi lamang para sa mga empleyado. Pwedeng magsama ang mga ito ng kapamilya o kahit na sino mang espesyal sa mga ito. Iyon ang patakaran ng kanyang ama noong ito pa ang namamahala na hindi naman niya binago nang siya na ang humawak.

“Ang tagal na ninyo, ah. Wala pa rin ba kayong balak magpakasal?” Ngingiti-ngiti niyang sabi.

“Hindi pa ho namin napag-uusapan sir. Gusto muna naming siguraduhin kong kami ba talaga ang meant to be. Ayaw naming magpadalos-dalos at baka sa huli, hindi pala namin makayanang panindigan.”

He was taken aback. Tinamaan siya sa mga sinabi nito. Naging padalos-dalos siya na ang naging resulta ay sumira sa pangalan niya.

“I’m sorry sir. I didn’t mean to ––”

“It’s alright.” Agad niyang pagputol rito na nilakipan pa niya ng matamis na ngiti. “Mas maganda ngang pag-isipan niyo munang maigi ang tungkol sa bagay na 'yon para hindi kayo matulad sa akin.” Hindi alam ng mga ito ang totoong rason kung bakit siya umatras sa kanyang kasal kaya kung isang taong walang paninindigan ang tingin ng mga ito sa kanya, ay hindi niya masisisi ang mga ito.

“Naniniwala ako na may malaking rason kung bakit kayo umatras sa kasal, sir.”

Napataas ang kanyang kilay sa sinabi nito. Pero hindi nawala ang nakaguhit na ngiti sa kanyang mukha. Hindi siya sanay na nagbibigay ng opinyon ang mga ito patungkol sa kanyang personal na buhay na nakaharap siya.

“Alam kong babaero kayo sir. Pero alam ko rin na sa mga babaeng i-di-nate niyo, wala kayong sinaktan o pinaiyak. Hindi niyo iisiping pakasalan ang isang babae para lang makuha niyo ang gusto ninyo tulad ng bali-balita. Sa guwapo niyong 'yan isama pa ang kayamanan niyo,  kahit sinong babae ay gagawin ang gusto ninyo without proposing something that will jeopardize your image in the end.”

9 Mornings Book2: Brian RamirezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon