Chapter 19

1K 33 4
                                    

“Good morning, sir Pogi.” Bati kay Brian ng sekretarya niyang si Enes.

“Morning, Enes. Nagawa mo ba ang lahat ng pinapagawa ko sa’yo kahapon?” Balik naman niya rito sabay flash ng pinagpala niyang ngiti.

“Yes, sir. In fact, nasa ibabaw na sila ng mesa mo. Naroon na rin sa conference room ang board of directors at naghihintay na sa inyo.”

“Good. Maasahan ka talaga. Please tell them that I have arrived and will be there in a moment. May tatawagan lang ako.” Nakangisi niyang sabi sabay kindat dito bago siya tuluyang pumasok sa kanyang pribadong opisina.

Pagkapasok na pagkapasok niya ay agad niyang hinugot mula sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone saka hinanap doon ang pangalan ng taong masasabi niyang siya ngayong palaging laman ng kanyang isipan.

“Ang bilis mo namang nakarating.” Magiliw nitong bati sa kanya.

Marinig lang talaga niya ang boses nito ay agad siyang nare-recharge. Kanina lang ay damang-dama niya ang matinding antok habang minamaneho ang daan papunta sa kanyang opisina. Sabay ulit kasi silang nagsimba sa pangalawang misa de gallo kahit pa man pareho silang kulang ng tulog gawa ng pag-alis nila kagabi kasama ang kaibigan nitong si Russel.

Aaminin niyang isa siya sa mga kalotikong hindi ganoon kalakas ang pananampalataya sa simbahan.  Ang dahilan lang naman talaga niya kung bakit niya sinasamahan itong magsimbang gabi ay para makasama niya ito. But he can’t deny the fact na maganda ang epekto sa kanya sa ginagawang pagsimba. Pinagagaan niyon ang loob niya in a strange manner.

“Ako pa! Ngayon na pala magre-report ang driver na kinuha ko para sa inyo. I-fo-forward ko sa’yo ang number niya. Anong oras ba kayo aalis?”

“Nag-text na ako sa kanya kanina matapos natin mag-breakfast pero hindi pa nagre-reply. Malamang natutulog pa ang isang 'yon.”

“Kung ganoon, matulog ka na lang muna ulit para makabawi iyang katawan mo. Tatlong oras pa lang ang tulog mo. Puwede naman sigurong mamayang hapon na lang kayo mag-ikot-ikot, masasamahan ko pa kayo.” Suhestyon niya.

“Tulog natin.” Pagtatama nito. “Pareho tayong kulang ng tulog. At kung may kailangan man sa ating bumawi ay ikaw 'yon dahil mas marami kang ginagawa kumpara sa akin. Kaya dapat pagkatapos mo diyan sa opisina mo, dumeretso ka sa inyo at magpahinga.”

“Pero ––”

“You need all the rest that you can get para bukas. 'Di ba Christmas party ninyo?”

9 Mornings Book2: Brian RamirezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon