Chapter 04

1.6K 41 4
                                    

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

 

 

 

Parang masisiraan na ng bait si Brian. Kung kailan malapit na niyang mapagtagumapayan ang kanyang paghihiganti ay heto naman at isa-isang nagsusulputan ang mga problema. Una, si Eros Drake na hindi lang pinasakit ang ulo niya sa ibayong pag-iisip sa pagbabalak niyang pakikipagkita rito, napuyat pa siya. At ngayon naman ay, ang kanyang ina.

 

 

“Walang masama sa ginawa ko. Natural lang sa isang negosyante na protektahan ang negosyo niya. It’s not as if I stole someone’s position.”

 

 

“But you insulted your Tito Leo, Brian. Ni hindi ka man lang daw kumonsulta sa kanya sa mga ginawa mo. You made a fool out of him.”

 

 

“Oh, c’mon Ma, hindi na ako bata para magpaalam pa sa mga gagawin ko. Kung na-insulto ko man siya, eh, di sorry.” Malapit na talaga siyang malagasan ng buhok. Bakit nga ba niya naisipan pang sagutin ang tawag nito.

 

 

“Hindi ko talaga alam kung ano ang pumasok sa isip ng ama mo at ibinigay niya sa’yo ang natitirang shares namin sa kompanya. Hindi ba niya naisip ang magiging impact ng ginawa niya? God! Men are so insensitive!”

 

 

“Ginawa lang ni Papa ang dapat. I deserve the remaining stock. Ako ang nagpakahirap sa kompanyang 'yon kaya dapat sa akin mapupunta 'yon. Insensitive? I’m sorry to say this Ma, but it seems to me na ikaw itong insensitive. Did you ever ask yourself kung ano ang nararamdaman ko every time na pagtatakpan at ipagtatanggol mo si Xander sa mga kalokohan niya? Baka nakakalimutan niyong ako ang anak ninyo.”

 

 

“Babalik na naman ba tayo sa usaping 'yan? Kailan mo ba mare-realize na iniligtas ka lang ni Xander? Papaano pala kung pinakasalan mo talaga ang babaeng 'yon? You should be thankful to him for saving you from marrying a worthless woman.”

 

 

Mahigpit niyang naikuyom ang kanyang kamay sa narinig. He can’t believe it. Papaano naging pabor sa kanya ang ginawa ng pinsan niya?

 

 

“You know what, Ma? This conversation is bullshit. Kung ang itinawag niyo lang sa akin ay ang kumbinsihin akong ibalik sa pangangalaga ni Tito Leo ang share ninyo ni Papa, I won’t do it. So can we just drop this talk at marami pa akong gagawin.”

 

 

“Watch your words Brian! Hindi kita pinalaki para sagot-sagutin ako ng ganyan. Bakit ba ang tigas ng ulo mo at napakahirap mong paliwanagan? Give up that company! Sumunod kana sa amin dito. Mas maganda ang naghihintay sa’yo rito.”

 

 

“Tulad ng palagi kong sinasabi sa inyo, hindi ako ang pupunta diyan. Kung gusto mo talaga akong makita, kayo ang umuwi rito. Got to go now. May mga naghihintay pa sa aking trabaho.” Saka niya pinutol ang linya.

9 Mornings Book2: Brian RamirezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon