Chapter 14

1.4K 38 7
                                    

'Pambihira naman! I can't believe that I'm actually falling to this cry baby!' Ang naiwika ni Brian sa kanyang sarili habang nakasobsob sa kanyang dibdib ang wala pa ring tigil sa paghikbing si Eros.

Nasa loob na sila ngayon ng kanyang sasakyan sa back seat sa takot niyang makita ito ng mga kasamahansa bahay na umiiyak. Alam niyang kasalanan naman niya kung bakit walang tigil itong humihikbi ngayon pero hindi niya pa rin maiwasang ma-frustrate dahil ayaw man niyang aminin, eh, may kumikirot sa kanyang puso habang walang tigil ito sa pag-iyak.

"Hoy! Tumahan kana kasi." Hindi iyon pagalit kung hindi pakikiusap habang marahan niyang hinihimas-himas ang likod nito para aluin.

Isa pa sa kinaka-frustrate niya ay hindi niya alam kung paano ito aaluin. Hindi kasi niya alam kung paano at hindi pa niya na-i-experience umalo ng tao lalo na ang umiiyak. In short, hindi siya expose sa larangang 'yon. Karenyo-brutal naman kasi ang nakasanayan niya sa mga kaibigan.

Mas okay pa sa kanya kung idadaan siya nito sa galit tulad ng ginawa sa kanya ni Dave pero ano nga ba ang aasahan niya? Naiiba nga pala ito sa mga taong nakakasalamuha niya araw-araw. At iyon ang isa sa mga katangian nito na gusto niya.

"Nag-so-sorry na nga ako di ba? Kaya tumahan kana para masimulan ko ng magpaliwanag." Pagkausap niya ulit dito at lalo pa niyang hinigpitan ang kanyang yakap.

"Kaya mo hindi makita ang nararamdaman mo sa kanya dahil pinangungunahan ka ng takot. Subukan mong pakawalan iyang mga takot mo at makikita mong tama ako."

Ang mga sinabi ni Dave na iyon ang siyang ginagawa niya ngayon. Inisang tabi niya ang kanyang mga alalahanin at binigyan ng pagkakataon na alamin kung mahal na nga ba niya ito tulad ng sabi ng kanyang kaibigan.

"Eros, tumahan kana please." Kung maririnig siya ngayon ng isa sa kanyang mga kaibigan ay malamang nabatukan na siya. Paano ba naman, para siyang baguhang yaya na hindi magawang mapatahan ang ngumangawang sanggol kaya malapit na ring maiyak.

'Kung bakit naman kasi walang nagturo sa akin sa larangang 'to, eh.' Naiinis sa sarili niyang wika sa kanyang isipan.

At tulad ng inaasahan ay walang nagawa ang sinabi niyang iyon para mapatahan ito kaya napilitan na siyang gumamit ng drastic measure. Inilayo niya ito mula sa pagkakasobsob sa kanya ngayong basa na sa luhang dibdib at marahang inalalalayan ang baba nito para magsalubong ang kanilang mukha saka niya ito siniil ng halik.

9 Mornings Book2: Brian RamirezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon