Photo
After that, Levi had to take a few minutes to gather his thoughts. We were offered for another ride back para mas madali raw kapag doon kami sa kabila for the Sky Jump. I declined politely. Baka hindi na makauwi ng buhay 'tong kasama ko pag nag-sky jump pa kami.
Habang nagpapahinga si Levi sa gilid ko, tinignan ko ang map ng buong park. Kung galing kami sa point B at hindi naman kami magsa-Sky Jump, we can definitely move to the next activity. Horseback riding, boating and ATV seems okay. At least we're not suspended on air, diba?
"You can go enjoy the Sky Jump, Carlotta. I'll just wait for you down there," sabi ni Levi habang nakasandal sa bench. Naubos niya na yung malamig na tubig na binili ko. Mukhang okay na rin naman siya?
"And leave you here? What's the point of bringing you here if I'm the only enjoying? No, thanks," pagtanggi ko sa alok niya.
"Carlotta, 'wag kang ganyan masyado na akong nafo-fall!"
I rolled my eyes. If he can joke like that, I guess he's okay now?
"The ATV station is near here. Ayos lang sa'yo 'yun ang unahin natin? Or you want the horseback riding muna?"
"ATV sounds fun. Unahin na lang muna natin 'yon tapos horseback, I think?"
Tumango ako at tumayo. Medyo makulimlim na ang langit. Mukhang uulan pa nga. Bumaba na kami ni Levi sa platforms at nagsimula ng maglakad papunta sa ATV station.
"Hala teka ang ganda ng view. Carlotta dali picture-an mo nga ako!"
I rolled my eyes and took a picture of him. I mean, pictures. Pa-iba iba pa ng pose eh parehong mukha lang naman sana lahat.
"Dali! Dali! Ikaw din!"
And it continued. Every five steps we make, we have to stop for a photo op. Ayos lang sana kung wala siyang naabala kaso ang kapal ng mukha ni Kumag, nagtawag pa ng isa sa mga turista para picture-an kameng dalawa? Saan ba nabibili 'yang kapal ng mukha na 'yan?
At dahil na rin sa katagalan, nagsimula ng kumulimlim. Unti-unting lumakas ang patak ng ulan.
Nasa may cottage area naman kami kaya sumilong muna kami. I looked at my watch. 11:15 AM na.
"Do you want to eat lunch first? We can't do the other rides because of the rain," pag-alok ko.
Levi scrunched up his face while smiling. "Grabe ayoko na, masyado kang pa-fall, Carlotta!"
And for the nth time, I rolled my eyes at him. Umuna na ako papasok sa isa sa mga restaubar ng amusement park. Walang masyadong tao rito sa taas dahil na rin yata lagpas alas once na at nasa baba na ang karamihan.
Open area ang restaubar. It's on top of the mountain so from here, you can actually see the whole city of Guillermo. Medyo makulimlim nga lang dahil sa ambon pero kita pa rin ang ganda ng kalikasan.
Naupo kami malapit sa may glass window. At least maganda ang view ko at hindi puro mukha ni Levi nakikita ko.
The waitress handed us the menu and gave us a few minutes to decide on what to eat.
"Heavy lunch ba tayo? Baka masuka na ako sa ibang rides mamaya," he asked.
I shrugged. "You didn't even get to eat breakfast this morning. Kumain ka na lang. We can just go to their museum later para bumaba na muna yung kinan natin before proceeding with the other rides that doesn't involve heights."
I was browsing through the menu pero ramdam ko 'yung titig niya sa akin. Irritated, I gave him a glare.
"Problema mo?"
BINABASA MO ANG
Courting Him (Guillermo Series #1)
ChickLitCarly Elizalde is the new girl in Hillpointe University. With the help of her cousin and her friends, she planned to keep a lowkey profile and be as unnoticeable as possible. But her plan was ruined when she met Levi Suarez -- Mr. Popular na mahilig...