Social Relations
"Good morning! Rise and shine! Today is a beautiful day!"
Isang malakas na hampas ang nakapagpamulat sa akin. Agad-agad akong bumangon ng hindi na ako makahinga. Pakshet!
"Tate!" sigaw ko sa pinsan ko bago ako tumayo. "Bwisit ka talaga!"
Narinig ko pa ang tawa niya sa living room. Nakakairita! Sukat ba namang gisingin ako sa paraang alam niya? She tried to suffocate me using one of my pillows!
Inis na inis ako habang lumalabas ng kwarto ko. Naabutan ko si Tippy na nagluluto ng breakfast at si Iris na kumakain.
"Good morning!" bati nung dalawa.
"Good morning," I muttered. "Paano niyo natatagalan ang pinsan ko? May sakit 'yata sa utak, 'yon!" naiinis kong sabi.
Tippy laughed. "Oh, Tate's entertaining. Minsan tinatamaan ng saltik."
Iris shook her head. "That's one of the reason I always lock my door at night, Carly, and always wake up in time para hindi ka maistorbo ng KSP mong pinsan."
Napailing na lang ako habang nagsasalin ng kape mula sa brewer. I've been living in this house for the past 6 weeks at sobrang timpi na ako kay Tate. What more with these girls na simula 9th grade eh kaibigan na ang pinsan ko?
"What time's your first class today?" Iris asked as she take a bite of her toast.
"8:00 AM," sagot ko. "Hindi pa rin ako familiar sa school kaya baka i-tour muna ako ni Tate."
"Kain ka na muna," sabi ni Tippy pagkalapag ng platong may Eggs Benedict sa mesa. "Naliligo na si Tate. Maaga rin klase noon ngayon."
Tumango ako at pinasalamatan si Tippy for breakfast. I ate silently habang nag-uusap 'yung dalawa. Kahit na magda-dalawang buwan pa lang ako sa bahay na 'to, they never made me feel like I'm an outsider.
After eating my breakfast, hinugasan ko na 'yung kubyertos na ginamit ko at nagpaalam na maliligo na. Kada kwarto ay may en suite bathroom na because Iris hates sharing bathroom. Kaya pinarenovate niya pa itong bahay para lahat ng kwarto ay may banyo.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Hindi required sa school ang uniform, maliban na lang kung isa sa Allied Med ang kinukuha mong kurso, gaya ni Tate, na all-white uniform ang suot.
Pagkalabas ko, naabutan ko pa ang pinsan ko na masayang nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya. Kahit naman may pagka siraulo 'to minsan, I'm definitely in debt of her for receiving me here.
"Oh, Kamahalan, ready ka na ba sa first day mo sa university?" she asked with a smile upon seeing me.
Nairolyo ko ang mga mata ko. "It's not like I have a choice," tumingin ako sa relo ko. "Are we gonna take the car or what?"
Tumayo siya at nagpaalam kina Tippy at Iris. "Alis na kame mga beh. Kitakits sa lunch mamaya!"
Nagpaalam na rin ako sa dalawa bago sundan palabas ng bahay ang pinsan ko.
"Maglakad na lang tayo," she said. "Maaga pa naman at mga ganitong oras din may nagja-jogging na mga gwapo."
Napailing na lang ako pero sinundan siya sa paglalakad.
The university is big. Sa pagkakaalam ko, ito ang pinakamalaking university dito sa bayan ng Guillermo, kaya nga may mga bahay na rin sa loob ng university. May mga dorms din naman pero kapag ma-pera ka, you'd rent a whole house here (or buy the house like Iris' family did) lalo na kung ayaw mong may ka-share ng kwarto.
I'm a transferee. Galing pa akong Manila. Doon ako lumaki at nag-aral but then I decided I need a breathe of fresh air kaya lumipat ako rito. Tate grew up here in Guillermo pero noong nag-7th grade ay pinalipat siya ni Auntie sa Manila. 'Yun nga lang, something happened so she decided to continue her studies here noong Grade 9 kami. Tapos ay dito na rin siya nag-aral sa Hillpointe pagka-college.
BINABASA MO ANG
Courting Him (Guillermo Series #1)
Romanzi rosa / ChickLitCarly Elizalde is the new girl in Hillpointe University. With the help of her cousin and her friends, she planned to keep a lowkey profile and be as unnoticeable as possible. But her plan was ruined when she met Levi Suarez -- Mr. Popular na mahilig...