Chapter 8

105 11 0
                                    

Game

"Okay, first game will start now!" And Gabriel whistled.

I readied myself. The goal for this activity is to win para maging exempted sa Exit Assessment ni Sir Gabriel. We can do this, Carly.

"Ready?" Gab shouted.

Tumakbo kami papunta sa designated table namin at tinignan ang dalawang papel na naroon. First game is Balloon Burst.

We wrapped green colored balloons on our ankles. Ang instruction eh kailangan naming mapaputok yung balloons ng kalaban basta hindi mapuputok ang sa amin. Kung sinong may pinakamaraming napaputok na balloon, sila ang makakapuntos sa first game.

"Okay guys, walang magkakasakitan, ah! Be sport! At the blow of my whistle, the game will start. 15 minutes for this game, okay? One, two, three," and he blew his whistle again.

Tumakbo ako palayo sa kanila. Narinig ko pa ang tili ni Israel nung napaputok ni Uno ang balloon niya.

"Baby Uno naman, eh! You're so bad!" malanding sabi niya. Natatawa ako pero mabilis din kumilos nung nakita kong hinahabol ako ni Mau.

I love doing cardio exercise kaya hindi ako madaling mapagod. When Mau ran out of her breath, saka ako lumapit para paputukin ang balloon niya. "Sorry, Mau!"

Nagpatuloy pa 'yon hanggang sa dalawa na lang kami naiiwan sa grupo, each. Rage and Dan on the other team. Ako at si Uno naman sa amin. Ang unfair pala kasi karamihan nung nasa kabilang team eh lalake.

Hinihingal pa ako kakatakbo. 5 minutes na lang daw sigaw kanina ni Sir Gab. If we pop either of Rage or Dan's balloon, we'll win. Pero considering that the two are basketball players and are much stronger than I am, mas may chance silang manalo.

"Carly, for sure ikaw ita-target ng mga 'yan," bulong ni Uno sa akin. Hinihingal din. "I can look out for Rage, mas matindi kasi stamina niyan. Si Dan, obvious na pagod na."

Tumango ako. "I'll try to pop his balloon. Pero kapag ako ang natalo, 'wag kang magagalit sa akin, ah?"

He smirked at me. Naging alerto naman kami agad nung tumakbo bigla 'yung dalawa papunta sa amin.

Nadistract pa ako ng kaunti dahil sa tinis ng boses ni Israel sa pagccheer sa akin dahil girl power daw. Baklang 'yon.

As Dan was about to dive to pop my balloon, biglang naisip ng instinct ko to cartwheel.

Muntik pa ko matumba pero bago ako madapa, I reached for his ankle to pop the balloon... saka ako napagulong sa lupa.

Aray.

"Wooooh!" parang tanga mga kaklase ko na nagsipag sigawan, akala mo naman may tournament akong sinalihan. Tinulungan ako ni Uno na tumayo at nakipag high five sa akin.

"Ang galing mo doon!" sabi niya sa akin. Nginitian ko lang siya pati na rin sina Rage at Dan na nakangiti rin na nakatingin sa akin.

"Carly, hindi ka ba nasaktan?" tanong ni Sir Gab noong nakalapit na kami. Umiling ako. "Okay. So Green Team is the winner for this round!"

My team cheered at that. Naki-high five pa 'yung iba naming team bago tinawag ni Gab ang atensyon namin for the second round.

Nakasimangot pa si Levi habang palapit sa amin. He's even glaring at me while handing us the envelop. What did I do?

"Wiggle Relay," basa ni Georgina sa bigay ni Levi. "Oh my gosh, hindi ko yata kaya 'to."

Pinapila namin sino ang magkakasunod sunod. Rhea yata yung pangalan ng teammate namin na pinauna ni Uno sa line. Sa kabilang team naman, si Israel ang inilagay nila dahil Wiggle Queen daw.

Courting Him (Guillermo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon