Chapter 7

221 15 4
                                    

Concern

"5 minutes break muna!" Coach Andrea announced. "After that, Kris, Lay and Kai practice tayo ng downrock, okay? Tapos practice tayo from the top up to this choreo and you can go home."

Napasigaw naman sa tuwa ang iba naming kasama. Hinihingal pa ako bago lumapit sa bag para kunin ang tuwalya at tubig ko. 8:45 PM na, medyo ginugutom na rin ako.

"Hoy, Carly, bakit simangot na simangot ka, ah," sabi ni Lia at nakiupo sa gilid ko. Lumapit na rin 'yung ibang kasama namin. Mga tsismosa.

"Ano ba usually pinapagawa ni Sir Gab sa exit assessment niya?" tanong ko. Eto talaga pinoproblema ko, eh.

"Ano ba sabi sa inyo?"

'Yon na nga, eh. Nagmeet siya kanina to divide us into 2 groups. 10 kada members. Akala ko kung ano pero mas nabanas lang ako sa sinabi niya.

"I divided you based on the names you pulled out last time. So we will meet tomorrow for this activity. The 6 people who won the game last Wednesday will be the gamemasters," he explained. "Ang sinong mananalong grupo ay exempted sa exit assessment, but will still participate for quarter activities. While the losing team will do exit assessment and all of the activities."

Kailangan manalo kami bukas sa activity na hinanda nina Kumag. Ang kaso, hindi nila sinabi kung anong klaseng activity.

"May game daw kami bukas, eh. Doon ibe-base sino-sino gagawa ng EA," I told Lia. "What kind of game is it? Basketball ba ganyan?"

Tumawa naman sila. Mali ba ko? What kind of game is it, though? Sana lang hindi sports. Hindi ako marunong ng kahit na ano na may kinalaman sa bola. Dancing is my only exercise nga, eh. Pero ngayon hingal na hingal ako dahil matagal na akong hindi sumasayaw.

Before I could ask another question, tinawag ako ni Coach Andrea. Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Carly, hindi ka raw pwede bukas?" she asked. May practice kami dapat bukas ng buong araw pero dahil ng sa mas mahalaga ang acads kesa extracurricular, hindi muna ako aattend.

"Opo. Sorry, coach. Sinabi naman nina Lay na pwedeng bukas ng hapon kami imi-meet ni Kuya Jon para sa ibang choreo and brainstorming."

Tumango siya. "I'll try to supervise tomorrow. Hindi kaya pagod ka na bukas after ng activity?"

Umiling ako. I need to finish all schoolworks later, activity for SocRel tomorrow tapos ay dance practice para sa Sunday, I can sleep all day.

"Very well. Ikaw ang bahala. Basta 'wag masyadong itodo, ah? We can't afford for anyone of you to get sick," paalala niya.

I nodded. I like Coach Andrea because she cares for the team. Mas mahalaga sa kanya na mag-enjoy kami at in good health kahit hindi manalo sa Streetdance Competition.

But I need to push my limits, especially knowing that the host school for the competition would be my old school.

"Okay, back to original position, guys!" sigaw ni Kuya Jon. Tinungga ko muna ang laman ng water jag before joining them.

After practice, nagpalit lang muna ako ng damit. I texted Tate if pwedeng magpadeliver siya ng food pero sabi niya naman na nagluto raw si Tippy kaya 'yun na lang kainin ko. Masyado talagang dependent kay Tippy 'yung pinsan ko.

"Coach, una na po kami!" paalam ng iba sa amin. 'Yung iba kasi may sundo at mamaya pa yata aalis. Ako naman, gutom na kaya kinuha ko na ang gamit ko at nagpaalam na rin.

Nasa second floor ng gym ang dance studio namin. Nagppractice rin kasi ang ibang sports team sa baba kaya dito na lang kami sa taas. Malaki-laki rin naman ang studio. Kasya naman sa amin na 20 members kung nagppractice.

Courting Him (Guillermo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon