Player
"Gusto mong sumama?" I asked Tate as she watched me prepare for today's agenda.
"Edi pag sumama ako hindi na date 'yun!"
Kagabi lang sabi niya sa akin gusto niyang sumama tapos ngayon nagbago na nanaman ang isip niya?
Kinuha ko ang susi ng kotse ko bago ko siya tignan, "Hindi ka ba aalis ngayon?"
She shook her head. "Mag-aaral ako ngayon, insan."
Napaangat naman ang kilay ko. Milagro yata?
"Sobrang cramming ako ngayon hindi na nga yata ako matutulog!" she ranted.
"Ayan! Manuod pa ng anime. Sinabi ko na kasi sayo na gumawa ka na muna ng notes, inuna mo pa yung bunggo stray dogs na yan."
"Bungou kasi 'yun!" sagot niya naman. Umupo ako sa tabi niya para masimulan niya na ang pagbraid sa buhok ko.
"Magdress ka kaya, Kamahalan? First date niyo ni Jennings ngayon kaya dapat maganda ka!"
"Sinasabi mo bang pangit ako? At nalimutan mo yata na amusement park ang pupuntahan namin?" sagot ko sa kanya.
"Ayee hindi niya tinanggi na date 'to! Iba ka na talaga. Pag-uwi mo sa Manila, may jowa ka na!"
Hindi ko na lang siya pinansin dahil wala siyang sense kausap. Tinext ko na lang si Kumag para alam niyang papunta na akong school.
Pagkatapos i-braid ni Tate ang buhok ko, kinuha ko na ang sling bag ko at tumayo na. Hindi nagre-reply si Kumag kaya kakain na lang muna ako sa cafeteria kapag wala pa siya.
"Breakfast tayo?" aya ko sa pinsan ko. Hindi ko alam kung may allowance pa ba siya at baka sobrang nagtitipid siya.
"Naks iba talaga epekto kapag in love! Nagiging mabait!" pang-aasar niya pa.
Hinampas ko ang throw pillow sa mukha niya.
"Grabe 'to! Joke lang kasi!" himutok niya sabay hawak sa ilong. "Pero no need na. Dadaan si Yuan dito may dala raw siyang champorado."
My ears perked. "Oh? Magdadala lang siya ng pagkain?"
"Syempre, hindi. Tutulungan niya akong i-sort 'yung notes ko para makapag-aral ako ng maayos," she answered happily.
"Ah. Akala ko tutulungan kang i-sort out feelings mo, eh."
"Luh? Pinagsasabi mo?" napaka-dense netong pinsan ko, grabe. "Anyway, uwian mo ko ng donuts mamaya? Pang meryenda? Sigurado akong pritong prito neurons ko pagkatapos naming mag-aral ni Yuan."
I smirked at her. "Sigurado kang mag-aaral lang kayo?"
"Malamang? Ano pa bang gagawin namin dito?" lito niyang sabi.
"Eh syempre buong araw akong wala. Si Iris may photoshoot. Si Tippy naman kasama ni Cyrus. So... kayo lang maiiwan dito?"
"What are you suggesting? Best friends lang kami ni Yuan, okay?"
"Sabi mo, eh." I shrugged. "Una na ako."
"Ingat ka! At ang donuts ko huwag mong kakalimutan! 2 dozens lang tapos puro alcapone or glazed!"
It's 7:40 AM so I decided to leave. Kakain pa ako and who knows baka nasa school na si Kumag. Upon arriving, I parked my car and instantly headed to the cafeteria. Sana may champorado rin sila. When Tate mentioned her best friend bringing champorado, I craved for it, too.
Pagkapasok ko ng cafeteria, kaunti lang ang tao. Pumunta ako agad sa counter para umorder. Sadly, wala nung gusto ko. Afterwards, I decided to sit near the glass windows dahil tutok doon ang aircon.
BINABASA MO ANG
Courting Him (Guillermo Series #1)
ChickLitCarly Elizalde is the new girl in Hillpointe University. With the help of her cousin and her friends, she planned to keep a lowkey profile and be as unnoticeable as possible. But her plan was ruined when she met Levi Suarez -- Mr. Popular na mahilig...