This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
* * *
The bell of the café chimed when I entered. Medyo kakaunti 'yong tao ngayon dahil bukod sa gumagabi na eh malapit na ring magsimula ang klase. Sinusulit na 'yata ng iba ang summer vacation.
Lumapit ako sa counter para um-order. Napataas pa ang kilay ko ng makita ang pinsan ko na nandoon at hawak-hawak ang phone niya at mukhang naglalaro.
"Miss, bawal 'yan," sita ko sa kanya.
Agad niyang binitawan ang cellphone niya bago tumingin sa akin. "Ikaw lang pala!" napahawak pa siya sa may bandang dibdib niya. "Nakakaloka! Tignan mo nahulog lahat ng zombies ko!"
I leaned on the counter. "Bawal magcellphone sa trabaho, 'diba? Kapag ikaw nahuli, tignan natin."
Bumelat lang siya sa akin. "Wala naman ang boss ko. So, ano na order mo, Kamahalan?"
Tinignan ko ng masama ang babaeng 'to. "Coffee jelly, venti. Tapos isang slice ng mocha cake."
"Isa lang? Naku, insan, hindi ka mabubusog niyan," she commented while punching my order.
"Pampalipas oras lang. Dalian mo nang magtrabaho para makauwi na tayo."
Tumango siya. "Ano kaya ulam ang niluto ni Tippy? Ginugutom na nga ako, eh."
Kumuha ako ng 500 sa bulsa tapos binigay sa kanya. "Anong oras out mo, Tate?"
Tinignan niya naman ang relo niya. "30 minutes from now. Dala mo kotse mo?"
"Oo," sagot ko. May sasabihin pa sana ako kaso biglang lumabas 'yong ''best friend'' ni Tate galing kusina, dala na 'yong order ko.
"Kumain ka na ba?" tanong ni Yuan kay Tate.
Lumabi naman ang pinsan ko. Maghaharutan pa yata 'tong dalawa sa harap ko imbes na i-serve ang order ko.
"Hindi pa. Ginugutom na nga ako," pagmamaktol ni Tate.
"Ako na muna dito. Kumuha ka na doon ng pagkain sa likod."
Biglang nagliwanag ang mukha ng pinsan ko at aalis na sana ng pigilan ko.
"Hoy, nasaan sukli ko?"
"Hala, grabe kukunin pa talaga!"
Aba, gaga 'to, ah. "Ang laki pa ng sukli! Buti sana kung bente na lang, ido-donate ko pa sayo!"
Nagpout nanaman siya. Ang feeling cute talaga nito minsan.
Nilagay ni Yuan ang order ko sa tray pati na rin ang sukli ko. Tinignan niya lang ako at tinanguan. Ganon din ang ginawa ko.
Napailing na lang ako at naghanap ng bakanteng mesa. Pagkaupo ko, kakainin ko na sana 'yung mocha cake ko ng may nakita akong lalaking nagmamadaling maglakad papunta sa akin. Sino ba to?
"Excu--"
"Miss," natataranta ang boses niya. "May band-aid ka ba?"
Napakurap naman ako, checking his arms to see if he's wounded. "Ha? Wala, eh. Baka 'yung crew meron, nasugatan ka ba o ano?"
I was about to tell him to go to Tate kasi Allied Medicine student 'yon, pero bigla naman siyang nagsalita.
"Yeah," tumikhim siya at kinindatan ako. "I just scraped my knee falling for you."
Biglang nagkantyawan 'yung grupo ng mga lalaki sa isang booth habang nagsisitayuan at pumapalakpak. Saka ko lang na-realize na halos lahat ng tao sa loob, nakatingin sa amin.
"What the he--"
Bigla niyang kinuha ang kaliwang kamay ko at bago pa ako makapagreklamo, he brought it to his lips and kissed it.
"Levi Suarez nga pala, ang magpapabihag sa puso mo."
I sat there, unmoving. WHAT. THE. FUCK. JUST. HAPPENED...?
Bago ko pa siya masampal, tumakbo na ito sa mga kasama niya at naghigh-five. He even have the guts to look at me! At ang gago, nagflying kiss pa!
"Bye, Miss Beautiful!"
Fcking shit! That was so humiliating! At wala akong nagawa para protektahan ang dignidad ko! Ugh!
Tate, who was on the counter watching, started laughing like a maniac at alam na alam kong gagamitin niya ang nangyari laban sa akin.
Pakshet. Kung sino man ang lalaking 'yun, madapa sana 'yun ngayon din!
And I hope this will be my last encounter with him!
* * *
Credits to the owner of the pickup lines used in this story.
BINABASA MO ANG
Courting Him (Guillermo Series #1)
ChickLitCarly Elizalde is the new girl in Hillpointe University. With the help of her cousin and her friends, she planned to keep a lowkey profile and be as unnoticeable as possible. But her plan was ruined when she met Levi Suarez -- Mr. Popular na mahilig...