Passion
"Hi, Carlotta. I'm Lemuel Vincent Suarez. Levi na lang."
Pakshet.
Mortified, I didn't say a word and just grunted. Hindi pa rin tumigil kakatawa 'yung grupo niya pati na rin ang katabi kong si Georgina. Huminto lang sila noong pinagsabihan ni Sir Gab kahit na maski siya'y pinipigilan din ang pagtawa.
Hindi na ako nakinig sa kung sinong nabunot ni Georgina at iniisip na kung ano ang ipapagawa ni Sir Gab sa amin ng mga magiging kasama namin.
Bakit kasi si Kumag pa, sa lahat ng tao na nasa room?
Noong natapos na, bumalik si Sir Gab sa harap at pinakalma ang mga kaklase ko.
"Please write your name on the paper you're holding in red ink. Then give your paper to Maureen," Sir Gab announced. He turned to Maureen and said, "Please jot down the names of your classmates on the left side of the paper tapos 'yung mga pangalan na nabunot nila sa counterpart. I need to see the list before I decide about your requirement for the semester. Give me the list next meeting."
"Okay po, Sir," sabi ni Maureen.
Gab arranged his things before turning to us, "Sige. That will be all. Sa Lunes na tayo ulit magproceed. And don't forget to check your page this weekend. I'll post your homework this Saturday, 9 AM. Goodbye!"
We said goodbye to Sir Gab at nagsitayuan na ang lahat para makalabas. Huling klase ko na ito at gusto ko ng makaalis bago pa man akong i-harass ng Levi na 'yun.
"Carly, please don't forget to add me, ha?" paalam ni Maureen. I nodded and waved her goodbye.
"I have to go, Georgina. Ikaw?" tanong ko sa kanya.
Tumayo siya. "Papunta ako ng Gym. May practice for Cheering kasi kami."
Lumaki ang mata ko, hindi makapaniwala. "Cheerleader ka?" She smiled and nodded. "Oh. Ano, papunta rin akong Gym. Sabay na tayo?"
"Okay," she said as she prepared her things at sinukbit ang bag niya.
Papalabas na kami ng room ng biglang sumulpot ang grupo ni Levi. His friends keep on teasing me pero hindi ko na inintindi. Huminto pa si Levi sa harap ko para mangulit pero dinedma ko siya.
I heard him chuckle noong nag-aabang na kami ng shuttle ni Georgina. "Ingat, Carlotta!"
Kung hindi lang labag sa school rules, I'd flash him the bird.
* * *
Habang nasa byahe papuntang Gym, kinausap ko si Georgina. Dahil medyo hindi kami nagkakausap sa klase, nagtanong na rin ako sa kanya.
Apparently, hindi niya ka-bloc sina Levi. She's a Psychology student and decided to take Social Relations this semester for her elective. Kilala naman daw ang grupo nina Levi sa department nila kaya alam niya rin ang ugali ng mga ito.
Nang makarating kami sa Gym ay nagpaalam na si Georgina na pupuntang lockers para magpalit ng uniform. I waved her goodbye at pumasok na ako sa loob ng Gym.
Napataas ang kilay ko sa Gym. Nang pumunta ako rito last month eh dahil sa Open House and it was filled with different booths na nag-eengganyo sa mga bagong estudyante para sa mga clubs na offered ng school.
Ginala ko ang mata ko at hinanap si Tate. Nagpa-practice 'yung mga basketball players sa isang side tapos nasa kabilang gilid 'yung mga Cheerleaders. Sa may make-shift stage ay naroon 'yung mga members ng Vocals. Nakita ko pa si Tippy pero hindi ako makalapit dahil na rin sa mga taong nagpa-practice.
BINABASA MO ANG
Courting Him (Guillermo Series #1)
ChickLitCarly Elizalde is the new girl in Hillpointe University. With the help of her cousin and her friends, she planned to keep a lowkey profile and be as unnoticeable as possible. But her plan was ruined when she met Levi Suarez -- Mr. Popular na mahilig...