Riddles
At hindi na nga ako tinigilan ni Levi. Kulang na lang magdeactivate ako ulit ng Facebook para hindi na siya magpost! Noong sinabihan ko siya, tumigil nga ang mokong. Ang problema, Messenger ko naman ang pinuntirya. Nakakainis!!!
"Carly, pa-saan ka?"
Napalingon ako kay Lia, isa sa mga kasama ko sa HDC-Street at kaklase ko sa PR. Kakatapos lang ng meeting namin at gutom na gutom na ako.
"Meet kay Tate, nasa cafeteria siya. Sama ka?" yaya ko.
She wrinkled her nose. "Nah. Ginto ang pagkain sa cafeteria. Mag-7/Eleven na lang ako."
Natawa naman ako sa sinabi niya. Nagpaalam na siya at matutulog daw muna siya sa Ladies' Lounge habang maghihintay sa next class niya.
Umalis na ako ng Club Office para maglakad papuntang cafeteria since malapit lang 'to. Every MW, from 3 to 4 PM eh club activity. Kaya nag-usap usap kami sa HDC-Street para malaman kelan kameng pwedeng magpractice na kumpleto kami knowing iba-iba ang class schedule namin. Dahil practice sched lang naman 'yung tinackle, maaga kaming dinismiss.
Dapat wala na akong klase pagkatapos neto pero hindi um-attend kanina si Gabriel ng Social Relations class namin dahil may meeting siya. Since available rin ang mga kaklase ko ngayong hapon, ngayon na lang daw siya magmi-meet. Besides, may announcement lang naman daw siya.
I don't like to admit it pero gustong gusto ko 'yung klase ni Gabriel. Noong una, I had doubts if he is a good professor but when he started with his interactive lectures and activities, I enjoyed the class. Ayoko nga lang aminin sa kanya dahil mang hahambog lang 'yon.
Pagdating ko sa cafeteria, pumila na ako para bumili ng pagkain bago pumuntang second floor kung nasaan ang pinsan ko.
Nanliit ang mata ko ng makita siyang kasama 'yung "best friend" niya. Umupo na lang ako sa harap nung dalawa.
"Hello," bati ko. Hindi pa nga yata ako papansinin noong dalawa kung di pa ko nagsalita.
"Annyeong," bati sa akin noong pinsan ko with slightly bow ng head.
I looked at her weirdly. "Koreana ka na ba ngayon?"
"Kailangan ko nang matutong mag-Korean para kapag may concert ang mga Kpop groups na ini-stan ko, kaya kong makipag communicate!" masaya pa siya sa pag-explain.
"Duh. As if maririnig ka nila? Papaakyatin ka ba ng stage? Swerte ka ba at tatawagin ka nila out of the thousands of concert goers? Ano ka, special?" pambabara ko.
She just pouted at me bago niya tinignan 'yung halo-halo niya na mukhang 'di pa nagagalaw. Napakunot noo siya at mukhang iiyak na. "Hala ang konti ng ice cream!"
I heard Yuan tsk-ed before he scooped some ice cream from his bowl to Tate's. Ngiting ngiti naman ang pinsan ko sa ginawa ng "best friend" niya.
"Sure ka akin na 'to lahat?" nakangiti pa at nags-sparkle ang mga mata.
Yuan nodded. "Oo. Konting-konti na lang iiyak ka na."
At sa harap ko pa talaga napili ng dalawang 'to maghaharutan? The audacity? Right in front of my salad?
"Respeto naman sa single na kagaya ko, ano," pagputol ko sa titigan nilang dalawa. Nakakakilabot. Feeling ba nila bida sila sa teleserye? Hindi ako na-inform na nagsu-shoot sila ng KDrama dito? At hindi ako bitter!
"Gusto mo bang 'di na maging single?"
Napatingin ako sa lapastangang biglang umupo sa tabi ko at napabuntong hininga. Kailan kaya darating ang panahon na hindi ko makikita ang pagmumukha ng lalakeng 'to?
BINABASA MO ANG
Courting Him (Guillermo Series #1)
ChickLitCarly Elizalde is the new girl in Hillpointe University. With the help of her cousin and her friends, she planned to keep a lowkey profile and be as unnoticeable as possible. But her plan was ruined when she met Levi Suarez -- Mr. Popular na mahilig...