Chapter 5

137 11 0
                                    

Friend Request

"Carly! Kumain ka na!"

That shrilly voice woke me.

Sino bang sumisigaw ng ganito ka-aga? Tinignan ko ang digital clock ko at nakitang mag-aala una na sa hapon. Shit.

Umupo ako sa kama at napapikitng mariin. Biglang umikot ang mundo ko. Nasobrahan yata ako sa pag-inom kagabi.

When my surroundings stopped moving, dahan-dahan akong tumayo para kunin ang tuwalya ko. I need a hot shower. And hopefully, it will help to cure my hangover.

After taking a bath, nagbihis na rin ako para makalabas. Ginugutom ako. Umaasim na rin ang sikmura ko dahil sa dami ng ininom kagabi.

Pagkalabas ko ng kwarto, nakita ko 'yung tatlo na nasa sala at kumakain habang nanunuod ng movie. Buti na lang at Sabado ngayon. Wala akong pasok.

"Kamusta na, Kamahalan? Masyado kang nag-enjoy kagabi, ah at nagpass out ka," bungad ni Tate. Binigyan niya ako ng Advil at orange juice. "Tumawag nga pala si Auntie Carla, hinahanap ka."

Tinaasan ko siya ng kilay bago umupo sa tabi niya. "Anong sinabi mo?"

"Sabi ko uminom ka kagabi tapos di ka pa nagigising-- Aw! Teka! Joke lang naman, eh!" reklamo niya.

Sarap supalpalin talaga netong pinsan ko! Tinigil ko na ang paghampas ko sa kanya dahil mas sumasakit lang ulo ko.

"Sinabi ko na late ka na nagising kagabi kasi may tinapos kayong project," she laughed. "Drinking project!"

Hindi ko na lang siya pinansin at ininom na ang gamot. Tumabi ako kay Tippy at nakikain na rin sa pina-deliver nilang food.

"Ano palang nangyari kagabi? Nakatulog ba ako sa dancefloor?" Kasi seryoso wala akong maalala. Tulog na tulog na nga yata ako noon.

"Yes, girl," sagot ni Iris. "It's a good thing my cousin was there to catch you, ah! Akala ko talaga na-alcohol intoxication ka na!"

Cousin?

"Wag kang maniwala dyan, Carly," si Tippy. "She was laughing at you last night kasi nahimatay ka raw!"

"I wasn't! Mapagpagawa ng kwento. Alam mo naman kapag lasing na ako, kahit 'di naman nakakatawa, tumatawa na ako!" Iris answered defensively.

"Oo nga. You were laughing like a witch, Iris. Bagay naman sayo kasi witch ka talaga," inasar pa lalo ni Tate. Hindi ko na sila pinansin dahil nag-away nanaman ang dalawa at sumasakit ulo ko sa sobrang galawgaw nila.

"Pero seryoso. Si Levi 'yung nagbuhat sa'yo papunta sa kotse. Good thing naghihintay na pala si Mang Remi sa labas ng bar. Hindi ka na kasi makatayo ng maayos," kwento ni Tippy sa akin.

What? The only thing I remembered from last night, I was having fun on the dance floor with Iris. Lumapit sa amin 'yung isang staff ng club and made us drink Black Label.

I was dancing and was on euphoria when everything turned black. Nung nagka-ulirat ako, nasa kwarto na ako.

"Ginuguyod ka na namin, Kamahalan. Grabe ang bigat mo pag lasing seryoso. Buti nga may muscles si Levi at nabuhat ka niya. Alam mo bang sumama talaga siya pauwi dito? Iniwan niya sina Uno to make sure na nakauwi tayo ng maayos. Siya pa nagbuhat sa'yo papuntang kwarto! Hay, napaka-jowable!" sabat ng pinsan ko.

Fudge. Mukhang magkakautang na loob pa ako kay Levi dahil sa mga pinagku-kwento nila.

"Nga pala, Kamahalan. Nagtatanong 'yung mga kaibigan ko bakit 'di ka raw nang-aaccept ng friend requests."

Napalingon naman ako kay Tate. Oo nga pala. Di ko pa naccheck ang Facebook ko simula kagabi. Buti nga't nadala pa nila ang sling bag ko pauwi.

Binigay ko sa kanya ang cellphone ko. "Ikaw mag-accept total kakilala mo naman ang mga 'yon. Kapag nakita mong hindi taga-Hillpointe, 'wag mo na i-accept."

Courting Him (Guillermo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon