Chapter 21

71 4 0
                                    

Comfort

I blame it on the alcohol.

Yup. It was the alcohol's fault why I ended up crying on Levi's arms and not because I found his actions comforting.

That's what I kept telling myself.

I almost passed out that night because I was bawling my eyes out on his shirt. Good thing he was wearing a black shirt kaya hindi kita na ginawa ko siyang tissue.

He had to calm me down for a few more minutes before we went back inside Clover. He didn't give me more tequila shots but was kind enough to buy me a lemonade.

He was with me the whole night. I guess Levi's afraid I might just break down so even if I was dancing and almost rolling on the dance floor, he was there.

He can be really annoying at times but he's caring and kind. I think that's the reason why people like him.

"Oh wag mo naman ako masyadong titigan, malulusaw 'yan!" sabi ni Tate pagkalapag ng iced coffee sa harap ko bago maupo.

Nasa second floor kami ng cafeteria ni Tate, free period namin pareho. Paalis na sina Levi para sa pre-games nila ng basketball. Nasa may baba lang sila ng cafeteria habang hinihintay ang bus nila.

May kausap na grupo ng babae si Levi at Uno. Mukhang kabarkada nila dahil naghahampasan pa habang nagtatawanan. Hindi sila pamilyar sa akin pero kahit medyo malayo ako kita kong pumula ang mukha nung isang babae nung biglang tumawa si Levi.

Ano kayang nakakatawa?

Nakita kong lumingon si Rage papunta sa amin kaya siniko niya si Dan. Eto namang si Dan napaka ma-issue, siniko si Levi at tinuro ako. Lumingon naman si Kumag tapos biglang kumayaw.

"Carlotta!" sigaw niya pa. Hindi niya ba alam na Study Hall ang itaas na palapag ng cafe.

I glared at him and gestured for him to shush. Swerte siya paalis na sila baka ako pa mapagalitan ng mga prefects.

May binunot siya sa bulsa niya. Cellphone niya pala. Ilang sandali pa, nakita kong tumatawag na siya.

Apaka naman ng lalakeng 'to, oo.

"Ano?" sagot ko habang nakatingin sa kanya.

"Alis na kame," sabi niya.

"Tapos?"

"Grabe! Wala man lang "ingat mami-miss kita balik ka agad labyu" ganon?! Galit na galit agad," he exclaimed. His friends started laughing at what he said.

I rolled my eyes, "Babalik ka pa naman. Ano ka magsstay doon ng 1 week?"

"So pag nagstay ako ng 1 week doon, may "labyu" na ako?!"

Napalakas pagkasabi niya noon kasi rinig ko pa rin hanggang dito sa second floor. Napalingon 'yung ibang estudyante habang tawang tawa ang pinsan ko na kaharap ko.

Talking to this guy is embarrassing, I swear.

"Ang walang sense mo kausap, ibaba ko na."

"Sandali!" sigaw niya pa sa phone. Lumayo pa ng konti si Kumag sa mga kaibigan niya pero sa sobrang Marites nina Uno, alam ko narinig nila ang sunod na sinabi ni Levi.

"Mami-miss kita," tapos binaba niya na agad ang tawag.

Kitang kita ko panunukso nina Rage sa kanya. Buti na lang dumating agad ang bus nila dahil ramdam ko pati ako matutukso pag tumagal pa sila.

"Anong sabi? Bakit ang ingay nila sa baba? At namula ka agad?" pang-uusisa ni Tate.

"Anong namumula? Mainit lang talaga dito sa second floor."

Courting Him (Guillermo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon