Chapter 15

229 11 7
                                    

Date

"Nagsisi ka na ba?"

I sighed as I look at Tippy. Kami lang dalawa ang naiwan sa apartment ngayon dahil may lakad sina Tate and Iris.

The truth is, I really regret what I did.

"Yes! Yes! I'M SAYING YES TO YOU! @Carlotta"

That was Levi's post right after we went out of the gym. Ang walang hiya, tinag pa ako. Kaya kinulit ako ng kinulit ni Lia kung kami na raw ba.

Noong binuksan ko naman ang Facebook post na 'yon, sandamakmak ang comments. May iba na nag-congratulate. Ang iba naman ay binabara si Levi dahil masyado raw ambisyoso.

The next day, everyone's pestering me. Thursday naman kaya wala akong klase kasama si Levi. Pero ang tsismis na pinagkalat niya, umabot na sa blocmates ko.

"Hoy, true ba ang tsismis?!" si Anya. She sat beside me. PIO ba 'to?

"Dipende sa anong tsismis. Alin ba?"

Ang dami kasing tsismis na kumakalat. May narinig akong naging kami na raw kasi sinagot niya ako, na sinagot ko siya, na nagkabalikan kame. I don't know why people are making this a big deal.

Today's Friday. The only class I have today is Social Relations. 'Yung major classes ko ay hindi nag-meet dahil exams na nga next week.

"You don't have class today?" I asked her. Buong araw lang siyang nasa living room at nakalabas ang notes.

Tumango si Tippy. "I'm studying now because I'll be out later."

Oh.

"Are you really sure about this?" I asked.

She gave me a small smile. "Is it wrong to be selfish sometimes?"

Kahit gaano ka pala talaga katalino, natatanga ka sa pag-ibig.

I said my goodbyes and pick up my things. Wala naman kaming practice sa SDC simula bukas hanggang matapos ang exam since we need also need to focus on acads.

I decided to walk. May 15 minutes pa naman ako bago magsimula ang klase. Hapon na rin at hindi na masyadong maaraw kaya magandang maglakad-lakad.

Mga ganitong panahon talaga nagpapasalamat ako na hindi ko ka-street si Levi at hindi kami magka-kurso. Imagine if MA rin ang kinuha ko? Sabog siguro buhay ko.

Pagkaakyat ko sa 8th floor, nakita ko na sa hallway si Israel. Noong nakita niya ako, bigla siyang pumasok sa room. Ano kaya 'yon?

Pagkabukas ko ng pintuan, na-gets ko na.

"Congrats! Wooh!" at ang mga walang hiya, nagkalat pa. Nagsaboy ng santan sa akin. Nag-aabang pala sila sa may pintuan para ma-bwisit lang ako. Wow. Napaka-effort.

Hindi ko na pinansin ang KSP na grupo ni Levi at umupo na sa gilid ni Georgina. Pagkaupo ko, sumunod naman agad si Kumag.

"Carlotta, saan tayo magdi-date bukas?" bakas ang excitement sa boses niya. Rinig ko pa 'yung panunukso ng mga kaklase ko.

"Binabawi ko na," sagot ko sa kanya.

"Ha?! Carlotta naman, eh! Pagkatapos mong hingin ang matamis kong oo sa harap ng maraming tao noong nasa gym tayo, papaasahin mo ako?!"

Tinakpan ko ang tenga ko kasi ang ingay niya. Para siyang 4 year old na nagta-tantrums. Sarap lagyan ng mighty bond ang bibig, ugh!

"Ano ba?! Anong matamis na oo pinagsasabi mo? At ikaw! Kung ano-anong tsismis pinagkakalat mo?" singhal ko.

He smirked. "Grabe. Botong-boto pala sa atin ang buong campus? Narinig mo ba? May ship name na raw tayo!"

Tangina. At talagang umabot sa kanya ang kalokohan ng pinsan ko? Sabagay. Pareho naman silang may saltik.

Courting Him (Guillermo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon