Chapter XV
Era's POV
"Ano po ang ibig niyong sabihin?" Tanong ko. Tumingin siya sakin at umiling. Ibinigay na niya sa akin ang apat na sorbetes na agad ko namang tinanggap.
"Ah, Manong, sobra po ito. Tatlo lang po ang binili ko," ani ko pero ngumiti lang siya.
"Tama lang iyan, iha. Para yan sa isang kasama mo na naunang bumili kanina," aniya kaya napangiti ako at nagpasalamat. While going back to the bench, inalala ko ang mga sinabi ni Manong. What was that all about? Tinignan ko ulit si Manong pero busy na siya sa bagong customer. I'm not being rude but he's creeping me out. Bigla yata akong kinutuban ng kakaiba.
"Era? Somethings wrong?"
Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako. Tinignan ko si Airen na siyang nagtanong at ibinigay ang isang chocolate ice cream. I also gave Sofia and Maise their share. I sit in between of Maise and Sofia. While katabi naman ni Maise sa kaliwa si Airen. Muli na naman akong napaisip. Paano ba nasabi ni Manong na may manggugulo bukas? Can he foresee the future or it's just all fallacy? Also, kanino pala ako mag-iingat?
I don't know what to think na!
"May sinabi yung matanda sa'yo 'di ba?" Biglang wika ni Airen kaya napatingin kami sa kaniya. Her eyes focused only on the grass.
"What do you mean, Airen?" Maise curiously asked. Palagi naman siyang kuryoso.
"That Manong said something to Era that makes her bothered. Bakit hindi niyo siya tanungin?" Aniya at tinignan ako sa mata, causing me to gulp.
Airen's POV
"Right," bumuntonghininga siya and look to the front, "He said some things that makes me worry and the same time, curious," panimula ni Era.
"Manong? The one who sell ice cream?" Tanong ni Maise, fixing her eyeglasses again. She always do that whenever she asks. Hmm. Tumango si Era.
"Oo. What he said was something I can't explain. It creeps me in someway." Aniya at sinabi na sa amin kung ano ang sinabi nung matanda. Napatangu-tango ako sa narinig. Medyo May konting naintindihan ako sa mga binigkas nito. Isa pa, magkatulad ang huling mga salitang ibinigay nito sa akin.
Nilingon ako ni Maise. "May sinabi rin siya sa'yo, hindi ba?" Tanong niya. Napatitig ako sa kaniya ng ilang segundo bago bumuntonghininga. Her curiosity will cause her trouble someday.
"Oo. Katulad ni Era ay hindi ko rin maintindihan ang sinabi niya. Para itong isang babala, na hindi dapat natin ipagsawalang-bahala," sagot ko nang muling maalala ang sinabi ng matanda.
'Mag-iingat ka. Kahit maganda ang layunin ay hindi pa rin maiiwasang makasakit ng iba. Wag mong hahayaang galit ang manaig sa'yo. Isang malaking desisyon ang gagawin mo sa hinaharap na maaaring may mabigat na kapalit. Wag kang magpapalinlang sa kaniya. Manggugulo siya bukas. Mag-ingat kayo sa kaniya."
Muling inayos ni Maise ang kaniyang salamin. "It turns out that he's a visionary," aniya. Visionary, huh.
"A visionary?" Nagtatakang tanong ni Sofia. Ganoon din ang ekspresyon ng katabi niyang si Era
"Uh-huh. A Precognition Visionary to be exact. Mga taong nakakakita ng mga pangyayaring magaganap sa hinaharap. Some of their kind is considered as a prophecy teller," paliwanag naman ni Maise. The two girls both nodded.
"That's true. My brother has this Retrocognition Ability that allows him to see someone or somethings past. The two of them are opposite," sabat ko. I know they are aware of Yuzu's power dahil nai-discuss na rin naman ito ni Tanda sa kanila. As of now, dalawang tao palang ang alam kong may ganitong kapangyarihan. Yuzu and my mom.
BINABASA MO ANG
Midori
FantasyMaige Series #1 ~*~*~*~*~ A girl enter to fulfill the mission they tell To the school she feel the true happiness they never tale In this school full of magic Her face resembles a goddess in Greek And they see this girl as a weak But not in the eyes...