Chapter IX
Airen's POV
Time check, 3:58 a.m. Kanina pa kami nandito pero yung si Tanda ay wala pa. Akala ko ba kami ang hihintayin niya? Eh, bakit kami yata ang naghihintay sa kanya ngayon?
"Hindi pa ba tayo aalis? Pwede naman sigurong hindi natin hintayin si Tanda 'di ba?" tanong ko sa mga kasama ko. Actually, bati na kaming lahat. Nag-explain ako sa kanila kagabi kung bakit ganoon ang inasal ko at nagsorry. Naiintindihan naman daw nila lalo na si Maise kaya malaya ko na silang nakakausap ngayon. Nakita kong umiling sila.
"Kung pwede lang, Airen, kaso hindi, eh," sagot ni Michael.
"Bakit naman?" kuryusong tanong ko.
"Don't tell me may spell ang gate na'to?" natatawang tanong ko at laking gulat nang unti-unti silang tumango.
"Yes, Airen. Si King Eivan ang naglagay nito. Para na rin maalarma ang lahat kung may magtangkang magbukas sa gate. Lalo na kung ito'y isang Darkinians. Kaya hindi tayo makakalabas. For safety purposes na rin. Ang sinumang magtatangka ay pwedeng mamatay," paliwanag ni Maise. May gano'n? Grabe naman.
"Pati kayo?" tanong ko ulit.
"Oo, pati kami. Ang gate na ito kasi ay pinoprotektahan ng double spell, kasi doble rin ang kapangyarihang inilagay dito. Fire at Lightning. Dahil wala sa amin ang may ganoong kapangyarihan, ay hindi kami basta-basta makakalabas," sagot naman ni Liam. May naramdaman akong presensya na papalapit kaya nilingon ko ito. Nagulat naman ang Atsui sa ginawa ko kaya napalingon rin sila. Naglakad ang taong ito na may nakapaskil na ngisi sa mukha kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit parang hindi kayo aware sa presensya ko? Tanging si Airen lang ata," nakangising sabi ni Tanda kaya napairap ako. Pa-grand entrance pa talaga ang matandang 'to. Napansin kong may dala siyang walong kwintas. Napansin niya ata na tinititigan ko ito kaya itinaas niya.
"Nakikita n'yo siguro 'to 'di ba? Ito ang magiging proteksyon ninyo sa wolves forest," aniya kaya awtomatikong napataas ang aking kilay. Para saan daw? Wala namang espesyal sa kwintas. Puro puting pearls lang naman ito pero may tatlong maiitim sa gitna.
"Ito ang magtatago sa mga kapangyarihan ninyo. Dahil once na maamoy o maramdaman nila ang kapangyarihan ninyo, agad nila kayong susugurin. Baka wala pa kayo sa Bundok ng Marlesha ay hinang-hina na kayo. Paniguradong maraming Darkinians ang nandu'n sa bundok. Kaya wag na wag ninyong wawalain o tatanggalin ang mga ito," dugtong niya saka isa-isang binigay ang kwintas sa amin pero nung sa akin na ay huminto lang siya sa harapan ko at ngumisi.
"Kailangan mo pa ba ito? Paniguradong kaya mo na sila ngayon," may tono na pang-aasar na sabi niya kaya ngumisi rin ako pabalik.
"Baka kailanganin eh."
Umiling-iling siya bago tuluyang ibigay sa akin ang kwintas. Muli siyang sumeryoso at humarap sa amin.
BINABASA MO ANG
Midori
FantasiMaige Series #1 ~*~*~*~*~ A girl enter to fulfill the mission they tell To the school she feel the true happiness they never tale In this school full of magic Her face resembles a goddess in Greek And they see this girl as a weak But not in the eyes...