Chapter III-Part II
Third Person's POV
"Next, Prince Liam Karis Fuentes of Cie Kingdom."
Kaagad na bumaba sa entablado si Liam. Seryoso ang mukha nito habang tinatanggal ang salamin at inilagay sa nasa likurang bulsa. Mahinang tumili ang mga babaeng may gusto sa kaniya dahil ngayon lang nila ito nakitang nagtanggal ng salamin. Kitang-kita na tuloy ang angking kagwapuhan nito. Kahit si Maise ay natulala. Agad na naghanda si Liam nang lumabas ang kaniyang kalaban, ang Zhioung Dragon.
Ang Zhioung Dragon ay isang chinese dragon na kulay berde. Mapupula ang mga mata at merong matatalas na mga sungay. Bumubuga ito ng yelo at kaya nitong palutangin ang kahit na ano gamit ang isip kaya nakalutang rin ito. Meron itong dalawang maliliit na mga paa pero matatalas ang mga kuko.
Hindi katulad ng kaniyang mga kasama, si Liam ang unang sumugod. Mahigpit ang pagkakawak niya sa Crystal Sword gamit ang kanang kamay habang mabilis na tumakbo papalapit sa dragon. Ginamit ng Zhioung ang kaniyang buntot para tamaan si Liam ngunit tumalon paatras ang lalaki at hiniwa ang buntot nito. Lumikha ng ingay ang dragon kasabay ng pagbuga nito ng yelo sa direksyon ni Liam. Kaagad na gumawa ng Ice Shield ang binata para sanggain ang yelo ng kalaban.
Agad na nagteleport sa ulohan ng dragon si Liam nang bumalot ang yelo nito sa kaniyang Ice Shield. Hinigpitan niya ang hawak sa Crystal Sword at mabilisang hiniwa ang ulo nito. Isang nakakabinging sigaw ang narinig mula sa dragon hanggang sa nagpagulong-gulong ang ulo nito sa malamig na sahig. Nagsigawan naman ang mga nanonood thinking that the battle is over but not the Atsui, Irene, and definitely not Liam.
Napasinghap ang kanina'y mga nagsisigawan nang muling tubuan ang ulo ang Zhioung Dragon, hindi lang isa, kundi dalawa. Its two heads roared. Seryoso lang tingin dito ni Liam habang hinahanda ang sarili sa posibleng pag-atake ng dragon.
'I can't cut anything in its body. It will not do good to me. What should I do?'
The dragon tried to slashed Liam using its pointed claw, but the latter just avoided it. Bumuga ng mga yelo ang dragon sa direksiyon ni Liam kaya patalon-talon ito sa magkabilang direksyon. Pinayelo ng lalaki ang mga paa ng kalaban at buong lakas na binasag ito. Pero, muling tinubuan ng mga paa ang dragon ngunit ang nakakuha sa atensyon ng lalaki ay ang hindi pagdoble ng mga paa ng dragon. It just remained two. Liam smirked.
'Now I know to defeat you, Zhioung Dragon.'
Pinayelo ni Liam ang buong katawan ng dragon, ngunit dahil sa mahabang katawan nito ay natagalan siya. Nang biglang nawala sa pokus ang lalaki nang bigla siyang lumutang. He can't balance himself. Hindi rin siya makakaalis sa pagkakalutang hangga't nakatingin sa kanya ang mapupulang mga mata ng Zhioung Dragon. Dahil dito, matagumpay na nasugatan ng dragon si Liam using its claw. Mabuti nalang at sa katawan lang. Liam groaned in pain. Nagkapunit-punit na ang damit ng lalaki kaya napasinghap ang halos lahat ng mga kababaihan nang bahagyang makita ang abs nito. It is six freakin' pack abs!
'How can I escape from this?!' sigaw niya isip habang binabalanse ang sarili. Pinaulanan niya ng Ice Daggers
diretso sa mga mata ng dragon na dahilan ng pagkawala ng konsentrasyon kaya nakawala rin si Liam. Pinagpatuloy nya ang pag-atake para i-distract ang kalaban. Nagtagumpay naman siya. He teleported in the back of the dragon and closed his eyes to perform a ritual.'God of Water,
Hear my prayer
Lend me the power of Ice,
As I finished the enemy of mine'Pagmulat ng kaniyang mata, ang dragon ang kaniyang unang nakita na akmang bubugahan siya ng yelo. He automatically run towards his enemy. Itinapat niya ang dalawang kamay sa dragon at sinimulan itong i-freeze gamit ang Ice. Tumatakbong sinuyod niya ang buong katawan ng Zhioung Dragon, walang labis walang kulang. Pagkatapos, inilabas niya ang kaniyang Crystal Sword at buong lakas na binasag ang ngayo'y nagyeyelong dragon.
BINABASA MO ANG
Midori
FantasyMaige Series #1 ~*~*~*~*~ A girl enter to fulfill the mission they tell To the school she feel the true happiness they never tale In this school full of magic Her face resembles a goddess in Greek And they see this girl as a weak But not in the eyes...