Mission II

0 0 0
                                    

Chapter X

Airen's POV

Nauuna kaming girls na maglakad habang nasa likod ang boys. Tahimik lang kami pero yung dalawa sa likod ay nag-iingay.

"Ano ba, Kent? Nangagalay na ang braso ko! Kanina ka pa nakakapit," rinig kong saway ni Michael.

"Hoy?! Tarsier ka ba o sadyang naging bakla ka na talaga?!" sigaw pa niya ulit. Hindi namin sila nililingon kaya hindi namin alam kung ano na namng ginagawang pang-aasar ni Kent.

"Hindi ako bakla, no! Baka gusto mong halikan kita para patunayan sayong hindi talaga ako bakla?" rinig kong sabi ni Kent. Natawa nalang ako. Iba talaga ang trip ng lalaking 'to.

"Bakla!" muling sigaw ni Michael at nagulat nalang ako nang kay Sofia ito kumapit na tawang-tawa sa kanya. Tawang-tawa rin sa likod si Kent at naririnig kong si Liam na naman ang ginugulo. Huminto ako dahil nasa bukana na kami ng Illusion Forest. Ngayon, mag-isa naming haharapin ang sariling problema.

"Nandito na tayo," sabi ko sabay harap sa kanila.

"Bago tayo pumasok, may ilang paalala lang ako."

"Hindi ko na hihilingin pa na magkakasama tayo sa loob dahil alam kong gagawa ng paraan ang gubat na 'to para mahiwalay tayo sa isa't isa. Pagkapasok natin, ang kahinaan ng bawat isa ang magpapakita. Kaya ito ang tandaan ninyo," tinignan ko sila isa't isa sa mata, "Ilusyon lang ang lahat ng ito. Wag kayong magpapadala," paalala ko na sana ay tandaan nila. Kasabay ng pagtango nila ay siyang pagpasok namin sa gubat na sobrang tahimik at puno ng mist. Sana ay kayanin nila.

Era's POV

Tama nga ang sinabi ni Airen. Kaya pagkapasok namin ay hindi na ako nagtaka pa kung bakit ako nalang mag-isa. Naalala ko ang isang parte sa sinabi ni Airen.

"Ang kahinaan ng bawat isa ang magpapakita."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kung totoo nga ito, ibig sabihin ay...

"Ang ganda mo talaga, Era."

Napalingon ako sa nagsalita. Nakaharap ako sa isang playground. Maraming bata at isa na dun ang... batang ako. Biglang umikot ang paligid at nasa playground pa rin ako pero may isang batang babae ang dumating. Maganda, mukhang mabait, palangiti at mukhang anghel.

"Hi! Ako nga pala si Rhea. Bagong lipat lang ako dito. Pwede ko ba kaying maging friends?" masiglang sabi nito na ikinatango ng lahat.

"Oo naman, Rhea. Ako nga pala si Era. Nice to meet you!" masayang sabi ng batang ako. Bigla namang nagbago ang scenario. Ngayon ay nasa garden na naman ako. Ang dating garden namin. May lamesa at mga upuan na para sa bata. Nakaupo doon ang mga kaibigan ko at si Rhea. Nakita kong papunta na doon ang batang ako. May hawak itong isang tray ng cookies pero napahinto siya ng marinig niya ang usapan ng mga kaibigan.

"Alam mo Rhea, mabait si Era pero mas gusto kita."- Bata 1

"Oo nga, ang saya mo kasing kasama."-Bata 2

"Gustong-gusto ko ang damit mo! Ang galing mong mag-ayos. Ang ganda mo na tuloy."- Bata 3

MidoriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon