Magium City

0 0 0
                                    

Looooong chapter ahead. Good luck.

Chapter XIII

Era's POV

"Ang ganda talaga dito!" sigaw ni Kent. Nakarating na kami sa Magium at kakababa pang namin.

"Pero mas maganda pa rin yung kasghshdghs." narinig kong bulong niya pero hindi yung huli, masyado kasing mahina.

"Uy, uy. Bati na ba kayo? Bakit magkahawak kayo ng kamay?" panunukso ni Michael habang tinuturo kami. Namula naman ako bigla at pilit na binabawi ang kamay ko pero mas lalo niyang hinigpitan at paghawak dito. Tinignan ko siya, dahil nasa gilid niya ako ay nakita kong tumaas ang sulok ng labi niya. What does that mean?

"Tara." nilingon niya ako at nakita kong ngumiti na siya ng tuluyan saka niya ako hinila sa mga kasama naming nauna ng maglakad. Namula ako lalo nang maalala kung bakit kami humantong sa ganito.

FLASHBACK

Pagkatapos niya akong hilain ay naging awkward na ang naging atmosphere namin. It's so quiet! Hindi ko alam pero kadalasan kapag ganito ay nagbabangayan kami pero ngayon... I don't anymore. Akala ko ay aalis na kami dahil pareho na kaming nakapwesto na ng maayos at nauna na ring umalis ang iba pero hindi pa pala.

"Humawak ka sa bewang ko," mahinahong sabi niya at para naman akong nabingi kaya 'di ko maiwasang mapa-'huh' sa sinabi niya.

"Ang sabi ko, humawak ka sa bewang ko dahil baka mahulog ka diyan. Mahirap na," sabi niya ulit. I stilled. Hindi ba alam ng lalaking 'to kung anong epekto niya sa dyosang si Era Villanueva?

"Ah... Eh.."

"Tss.." napailing siya at...

Oh my goddess! Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at siya na rin ang nagkabit nito sa bewang niya. Great. Just great. Ang isa niya kamay ang nakahawak pa rin sa dalawang kamay ko.

FLASHBACK ENDS

"Uy, love birds. Pwede ko bang mahiram si Era kahit saglit lang?" nakangising sabi ni Airen. Nilingon muna ako ni Kent bago bitawan ang kamay ko. I shouldn't feel disappointed, right?

"Sige. Pero uy, ibalik mo kaagad siya ha? Hindi kasi ako mapakali kapag wala siya sa tabi ko," sabi niya. Kinindatan niya muna ako bago tumakbo papunta kay Michael at nakipag-apir dito.

*Dug dug* *Dug dug* *Dug dug*

Shush, Heart. Wag masyadong malakas baka marinig niya.

"Psst! Okay ka pa ba diyan? HAHAHA," tawa ni Airen kaya napalingon ako sa kaniya.

"Psh. Bakit naman hindi?"

"Bakit nga ba? Ganyan ba talaga ang epekto ni Kent sa'yo, nagiging indi? In denial! HAHAHA." tawa niya ulit. Inirapan ko nalang.

MidoriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon