Chapter XI
Kent's POV
What the hell?! Ba't ang rami nila dito?
Michael's POV
What is this? Ang daming estudyante!
Sofia's POV
Galing ba sila sa iba't-ibang school?
Era's POV
OMG! Ang daming dead people!
Maise's POV
"Darkinians."
Axcel's POV
What the fuck?!
Airen's POV
Darkinians?! Hindi na kataka-taka kung nandito sila but the hell?! Bakit may mga bampira, lobo, witches/warlocks, at sorcerers/sorceress dito? So, totoo nga ang sinabi ni Phinks, marami ngang galing sa iba't ibang schools. Mukhang mahihirapan yata kami dito.
"Kung maaari, iwasan ninyong mapaaway lalo na sa mga bampira at mga lobo," pabulong na sabi ko. Tumango naman silang lahat. Napansin yata nila kami dahil panandaliang napatigil sila at napalingon sa amin. Napatingin ako sa isang lalaking nakatingin rin sa akin. Nakasuot siya ng isang mahabang itim na cloak at isang color violet na pointy hat. A sorcerer. Tinanguan niya ako at kaya tinaguan ko rin siya. Kasabay nito ang pagkalaho ng grupo ng mga witches at sorcerers.
May nakita ulit akong isang pamilyar na mukha. Adrian Langres. Ang nakakatandang kapatid ni Phinks at panganay na anak ni Sebastian. Nang makita ako ay kumindat siya saka bumalik sa pakikipaglaban sa mga Darkinians. Hindi ko nalang siya pinansin dahil baka maging mas nakakainis siya.
"Hi, myloves!" sigaw niya at kumaway pa. See? Yan ang isa sa dahilan kung bakit galit sa akin ang kapatid niya. Binasted ko kasi. Tsk.
"Sinong sinasabihan no'n, Airen?" tanong ni Kent pero nagkibit balikat lamang ako.
"Bakit hindi mo'ko sinasagot, myloves? 'Di mo ba ako namiss?"
Aish. Ba't ba ako pinagtitripan ng lobong 'to? Nakita kong sinenyasan ng isang Darkinians ang mga kasamahan niya. Siya siguro ang leader nila. Papasugod na sila! Naghanda na kaming walo para makipaglaban. Hindi na talaga namin maiiwasan lalo pa't papalapit na sila. Nagulat ako ng lagpasan ako ng mga Izerad. Nakng?! Grrrrr. Papalapit sa akin ang leader nila. Kaya naman pala.
"Hoy! Ako ang kalabanin mo, hindi yung babae!" sigaw ni Axcel na ngayo'y lumalaban sa mga Izerad. Tss, kung hindi ka lang busy, babatukan talaga kita.
"Minamaliit mo ba ako?! Anong akala mo sa'kin, mahina? Baka nakakalimutan mong tinalo kita?" sigaw ko pabalik sa kanya at ngumisi. Ngumisi lang din siya pabalik. Nakakagigil talaga ng lalaking 'to. Ibinalik ko ang tingin sa leader nilang nasa harapan ko na.
"Anong pangalan mo?"
"Cage," malamig ang boses na sagot nito. Nakasuot siya ng black coat at black mask kaya mata lang niya ang nakikita ko. Nagkatitigan kami. My heart is pounding really hard. Sa sobrang bilis nito ay parang aatakihin ako sa puso. Wala ni isa sa amin ang gumalaw at nakatitig lang sa isa't isa.
Just what the hell? Bakit... bakit ko ito nararamdaman? Sino ka ba talaga... Cage? Posible kayang... ? No. No, imposible. Imposibleng siya si... No! Airen, tandaan mo nasa isang misyon ka. Ngumisi ako.
BINABASA MO ANG
Midori
FantasyMaige Series #1 ~*~*~*~*~ A girl enter to fulfill the mission they tell To the school she feel the true happiness they never tale In this school full of magic Her face resembles a goddess in Greek And they see this girl as a weak But not in the eyes...