Chapter VII
Someone's POV
"Ki, akala ko ba alam na n'ya ang lahat. Ano pa ang ginagawa niya?" tanong ng isa sa aking mga kaibigan.
"May pinaplano siya, Sei. At bilang ina niya, susuportahan ko siya," sagot ko at palihim na nananalangin na sana, sana nga'y alam n'ya ang kanyang ginagawa.
Airen's POV
"Kent!" sigaw ko na ikinalingon niya. Pinandilatan naman ako ng tingin ni Era kaya palihim akong natawa.
"Hoy, conyo! Bakit nanlalaki yang mga pangit mong mga mata? May tinatago ka, ano?" baling ni Kent kay Era na nagulat sa kanya.
"Excuse me?! My eyes is not pangit. They're beautiful kaya. Not like yours, it's so pangit," sabi ni Era at umirap.
"Ehem! Pangit daw. Ehem. Ehem," kunwaring nauubong sabi ko kaya inirapan din ako ni Era.
"Conyo. Bleeh!" paninila ni Kent kay Era at bumaling sa akin. "Bakit mo pala ako tinawag?" tanong niya. Umiling nalang ako dahil baka totohanin ni Era na i-hate talaga ako. Wag naman sana. Binalingan niya ulit si Era na nakatingin na sa mga nails niya.
"Ikaw! Kaya hindi sinabi ni Airen dahil pinigilan mo. Anong tinatago n'yo? Siguro, inamin mo na sobrang gwapo ko at crush mo'ko, no? Wag ka ng mahiya, E. Ramdam ko na noon pa. Come on! Just say it. Walang magbabago promise," nakangising sabi ni Kent at nagbubuhat na naman ng sariling bangko. Well, totoo naman yung una niyang sinabi, eh. May recording pa nga ako. Si Era naman ay namumulang paulit-ulit na iniirapan si Kent at pilit idene-deny ang lahat ng sinabi ng lalaki.
Nang biglang tumahimik ang lahat. Walang ni isang nagsalita. At mukhang alam ko na kung sino.
"Kruuu kruuu," kunwaring pagsa-sound effects ko kaya nakatanggap ako ng mahinang hampas sa katabi.
"Morning Prof.," bati ko dahil wala namang nagsalita. Tinanguan lang niya ako. Sungit talaga.
"Ngayon ay magpi-pair to pair battle tayo. First pair, Michael and Liam. Second pair, Sofia and Era. Third will be Kent and Maise. Lastly, Axcel and Airen. Remember, no buts, if's, and complaints. Proceed to Training Room 1 immediately," anunsiyo niya at lumbas na. Awtomatiko kaming sumunod. Pagkarating sa Training Room ay umupo kami sa mga upuang nakahilera sa baba ng rectangular-shaped stage. Napagigitnaan naman ako nina Sofia at Maise.
"Michael and Liam, to the stage now," tawag ni Tanda kaya tumayo na ang dalawang lalaki.
"Chael, galingan mo ha? Magchi-cheer ako sa'yo," nakangiting suporta ni Sofia. Ngumiti rin si Michael pabalik.
"Oo naman, para sa'yo," aniya ng lalaki sabay kindat bago tumungo sa stage. Namula naman itong katabi ko.
Third Person's POV
ICE vs. WATER ang laban.
"Remember, never use a sword. Just your power and abilities," paalala ng kanilang guro at nilagyan ng protection barrier ang buong stage.
"Let the battle begin."
Agad nagpakiramdaman ang dalawa kung sino ang unang aatake. Unang sumugod si Liam na pinalibutan si Michael ng glaciers para i-distract ito. Nang mawala siya sa focus, nagteleport si Liam sa harapan nito at sinikmuraan siya. Hindi pa siya nakakabawi sa gulat nang paulanan siya ng suntok ni Liam na mabuti't naiwasan niya. Tumalon ng dalawang beses paatras si Liam at hinanda ang sarili.
BINABASA MO ANG
Midori
FantasyMaige Series #1 ~*~*~*~*~ A girl enter to fulfill the mission they tell To the school she feel the true happiness they never tale In this school full of magic Her face resembles a goddess in Greek And they see this girl as a weak But not in the eyes...