First Day In Class A

0 0 0
                                    

Chapter IV

Airen's POV

"Good morning, self," I mumbled as I get up in bed and do my morning rituals.

"Morning." bati ko sa mga prinsesang nakaayos na. They waved in return as they see me. I'm wearing black off-shoulder and black fitted jeans together with white rubber shoes. Wala pa kaming official uniform kaya nag-civilian muna kami. Era wears floral dress with her red flat shoes. Okay lang naman since matangkad na siya. Naka-off shoulder din si Sofia na animal printed at maong na sayal na faded blue ang kulay. Pinarisan nya ng black boots. Mean while, si Maise naman ay naka-faded blue jeans at statement white T-shirt na hapit na hapit sa katawan nya kaya kita ang curves. Her shirt says 'I'm no fool'.

Habang naglalakad sila sa hallways ay panay ang rinig nila sa mga bulungan. Kung matatawag pa bang gano'n

"They looked like models. I envy them, friend."

"Yeah, freaking gorgeous,"

"So much for being a princess "

"Ang ganda ni Airen, pre."

"Sarap ligawan, tol."

"Sipsip sa Atsui."

Sus! Haters.

"Don't intindi them, Airen," bulong ni Era kaya tumango ako.

Pagpasok namin sa classroom daw namin ay nakita ko ang Atsui boys na laglag ang panga nang makita kami. Yup, no exception. The four of us giggled. Naupo kami sa mga upuang nakahanay sa harap ng boys. Ang pwesto ko ay katabi ng bintana. Katabi ko sa kanan si Sofia habang nasa likod ko naman si Axcel.

Kitang-kita mula dito sa pwesto ko ang Mount Shiya, kung saan nakatira ang Legendary dragon na si Kiriya-ang dragon of life. Kaya nyang bumuhay ng patay kung gugustuhin nya. Ang sabi-sabi ay wala pa raw nakakakita sa dragon maliban kay Goddess Kiyah. Marami na daw ang nagtangkang puntahan ito at angkinin pero nabigo dahil may mga pagsubok daw na inilagay ng nasabing Goddess upang protektahan ito. May nakapagsabi rin na meron na daw nagmamay-ari ng Legendary dragon, kaso walang nakakaalam kung sino.

"Uh, excuse me."

Napalingon ako or rather kami sa pintuan. Isang lalaki ang ngayo'y nakatayo doon.

"M-may nagpapasabi po pala sa inyo na hindi muna makakapunta ang magiging guro ninyo ngayon. Kaya you're free to do anything daw po ngayon," nakayukong sabi nito na parang nahihiya.

"Okay. Salamat," sabi ni Sofia at nagmamadali namang umalis ang lalaki. I sighed. Wala naman palang gagawin ngayon. Bigla akong kinalabit ng katabi ko kaya humarap ako sa kanya.

"Beshy, punta tayong cafeteria ngayon. Please? Wala naman tayong gagawin ngayon eh," pakiusap ni Sofia at ngumuso pa kaya ngumiti ako sa kanya at tumango. Ngumiti naman siya ng malapad. Tumayo na ako at gano'n rin ang iba. Era and Sofia clinged their arm to me as Sofia also clinged her other arm to Maise paglabas namin sa room. Nauuna kaming girls at nakasunod naman ang boys. Si Maise at Liam pa rin ang kumuha ng mga order namin. As usual nagbabangayan na naman sina Kent at Era.

Kent's POV

"Bakit biglang bumait yata si Airen sa inyo?" tanong ko sa mga girls.

"Oo nga. Hindi na natin siya kailangang pilitin pa. Anong ginawa nyo?" segunda ni Michael.

"We tanong her to be our bestfriend and she payag naman," sagot ni Era habang nakatingin sa mga polished nails daw nya kuno.

MidoriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon