Saved?

0 0 0
                                    

Chapter VI

Michael's POV

Fuck! Bakit ba hindi ko magamit? Paano ko nalang siya ililigtas? Bigla-bigla nalang may lumabas na Poisonous Fireger. Isang tigre na may pakpak na naglalabas ng tinik na may lason at bumubuga ng apoy. May isa pang lumabas at ito ang Hornagon. Ito ay uri ng nilalang na may katawan ng kabayo, ulo ng dragon at ang buntot ay maraming ahas. Bumubuga ito ng poisonous fire kaya delikado rin ito.
Umungol ang dalawang nilalang.

"Paano na 'to? Wala tayong mga kapangyarihan," natatakot na sabi ni Maise.

"D'yan ka lang sa likod ko, Maise. Kami na ang bahala dito," seryosong sabi ni Liam at nilagay si Maise sa likod na parang pinoprotektahan ito.

"Tulong! Tulong, Michael!" agad akong napatingin kay Sofia nang sumigaw ito. Nagpupumiglas pa ein siya.

"Ililigtas kita, Sofia!" sigaw ko. Agad na sumugod ang Fireger sa amin ni Liam at ang Hornagon naman kina Kent at Axcel.

Bumuga ng apoy ang Fireger na iniiwasan namin. Naglabas siya ng mga tinik at pabulusok na pumunta sa amin. Tumalon-talon kami para iwasan ito. Tumalon ako papunta sa likod niya at sinipa siya kaya medyo napadapa ito. Iwinasiwas naman nya ang kanyang pakpak kaya natamaan ako. Tumilapon ako at tumama sa puno.

"Arrrgh!" ungol ko dahil sa sakit. Hindi pa dito magtatapos ang lahat.

"Michael!" sigaw ni Sofia.

'Wag kang mag-alala, Fi. Mamahalin pa kita kaya hindi pa ako pwedeng mamatay ngayon.'

Ngumiti nalang ako sa kanya at tumayo.

Airen's POV

Pagdating ko doon sa gubat ay agad akong umakyat sa puno kung saan kitang-kita ko silang lahat. Nakita ko sila Era at Sofia na may nakapulupot na mga ugat sa kanila. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Tsk, tsk, tsk.

Lumabas na rin ang dalawang tagabantay sa gubat na ito. Kinakalaban ng Fireger sina Liam at Michael. Ang Hornagon naman ay kina Kent at Axcel. Tignan natin kung hanggang saan ang kaya ng apat na prinsepeng ito. Nakita ko si Maise na nagtatago sa likod ng puno. Nagteleport ako sa likod niya at tinakpan ang kanyang bibig saka muling nagteleport pabalik sa puno kung nasaan ako kanina.

"Mmm, mmmmm!" ungol niya kaya pinakawalan ko na siya.

"A-Airen?"hinihingal na tanong ni Maise. Sinenyasan ko siyang tumahimik.

"Shh! Gusto kong manood kung paano nila tatalunin 'yan," mahinang sabi ko habang tinuturo yung mga naglalaban sa baba.

"Pero, hindi nila magagamit ang kapangyarihan nila," nangangambang sabi ni Maise. Hindi ko na siya pinansin at nanood nalang sa laban. Napailing nalang ako sa dismaya habang nanood sa kanila. Still not enough. Kulang na kulang sila sa combat skills.

Bubugahan na sana ng Fireger ang namimilipit sa sakit na si Kent at, ang nakaluhod ang isang tuhod habang pinupunasan ang nagdudugong labi na si Axcel nang bigla akong lumitaw sa harapan nila. Sinipa ko ang Fireger na mukhang napalakas yata dahil tumilapon ito.

"A-Airen?"

Napatingin tuloy sa akin apat. Ngumiti nalang ako ng alanganin. Bumangon ang Fireger at susugod na sana nang matigilan ito pagkakita sa akin. Tumingin din sa akin ang Hornagon na natigilan rin at sabay na lumuhod ang dalawa. Sinenyasan ko ang ugat na ibaba na sina Sofia at Era.

"Anong nagyayari, Airen?" naguguluhang tanong ni Kent. Nagkibit-balikat lang ako. Nakita kong nilapitan ni Michael si Sofia. Hays, pag-ibig nga naman.

MidoriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon