Chapter XVI
Airen's POV
"Hello! Good morning, guys. Halina't kumain na kayo," bati't aya ko sa kanila. Ngumiti ako saka itinuro ang mga pagkain sa mesa.
"Ang aga mo naman gumising, Airen. By the way, good morning nga rin pala," bati rin ni Kent pagkaupo nila. Bagong ligo silang lahat at ang mga nakabihis na.
"Excited lang siguro ako kaya maagang nagising. Bilisan na nating kumain nang makapamasyal na tayo," nakangiting sagot ko but that was only half-truth. Naalala ko na naman ang masama kong panaginip kaya ako maagang nagising. Takbo ako ng takbo dahil hinahabol ako pero hindi ko alam kung ano o sino. Tapos, may nakita akong isang tao na hindi ko maaninag ang mukha pero alam kong kilala ko siya. Inilahad niya ang kamay sa'kin na para bang tutulungan niya akin. Tinanggap ko ito at sa hindi inaasahan, bigla niya akong nasaksak. Doon na ako nagising na habol-habol ang hininga. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin n'on pero, kinakabahan ako. Ewan ko, para bang may magtatangka sa buhay ko. Pero iba kasi ito, hindi ko
mai-"Aray!" hinimas-himas ko ang noo nang may pumitik dito. Nanlilisik ang mga mata nang tumingin ako sa dalawanh nasa harap ako. Alam kong isa sa kanila ang pumitik sa noo ko. Axcel and Kent. Pasimpleng itinuro ni Kent ang katabi kaya bumaling ang tingin ko dito. Hindi siya nakatingin sa akin at nakatutok lang ang atensyon sa pagkain.
"Bakit mo ginawa 'yun?! Ang sakit kaya!" galit na bulyaw ko sa kaniya. Tinignan niya ako sandalu at ibinalik ulit ang tingin sa pagkain. Hindi siya tumanggi, hindi rin sumang-ayon. But I heard him 'tss' kaya mas lalo akong nainis.
"Ah, Irene?," pagtawag sa akin ni Sofia kaya nilingon ko siya. Her apologetic face makes me change my expression into calm. "Ano kasi, hindi naman sinasadya ni Axcel 'yun. Pinaabot ko kasi yung adobo na nasa harap mo kaso hindi mo yata narinig kaya si Kent nalang yung nag-abot. Ilang ulit ka na naming tinawag, pati na nga si Drake, kaso tulala ka. Kaya pinitik ni Axcel yung noo mo para magising ka. Sorry, ah?" na-gi-guilty-ng paliwanag ni Sofia.
Pinilit kong ngumiti sa kaniya. "Okay na. Naniniwala naman ako sa'yo." Muli kong ibinalik ang tingin sa harapan at saktong nakatingin rin siya sa'kin kaya I glared at him. So to be fair, habang umiinom siya ay may ginawa ako. Bigla siyang napatayo.
"What the hell?!" bulalas niya at agad na kumuha ng tissue sa mesa at ipinahid ito sa nabasa niya damit. Sinamaan niya ako ng tingin na para bang ako ang may kasalanan, though ako naman talaga. Inosenteng tinignan ko siya. Mess with anybody but not me.
"Bakit ang sama ng tingin mo kay Airen, Ax, at bakit ka nabasa? As far as I know hindi ka naman clumsy," tanong ni Michael. I smiled sweetly at Axcel. Napakurap-kurap naman siya. Iniwas niya ang tingin sa akin at tumingin nalang kay Michael.
"It's... Nevermind. Tss," sabi niya at umupo nalang. Pinigilan kong matawa kahit gustong gusto ko. Pfft.
"Saan nga pala tayo ngayon?" tanong ni Liam.
"'Di ba, sabi ni Era kahapon sa may park tayo? Do'n tayo pumunta!" excited na wika ni Kent at tingnan ang katabing namumula na.
"Ate Era, why are you blushing?" usisang tanong ni Yuzu kaya natawa kaming lahat. Tapos, tinukso namin si Era.
"Ayiiie! Ikaw, E, ha. Nagba-blush ka na ngayon. Dati rati, naiinis ka pa sa kaniya," tukso ni Sofia.
BINABASA MO ANG
Midori
FantasyMaige Series #1 ~*~*~*~*~ A girl enter to fulfill the mission they tell To the school she feel the true happiness they never tale In this school full of magic Her face resembles a goddess in Greek And they see this girl as a weak But not in the eyes...