Chapter II
Airen's POV
Nakatingin ako sa bintana nang biglang umingay ang paligid. Hindi ko ito tinignan dahil wala akong pakialam sa mga dumating.
"Kyaaah! Nandito na ang Atsui!"
"I love you Liam!"
"Akin ka nalang Ax!"
"Kent! Marry me!"
"Ang gwapo mo Michael!"
"Ang ganda mo talaga Era!"
"Pansinin mo naman ako Sofia!"
"Maise! Ang ganda mo!"
"Please sit down and shut up!" sigaw ng kadadating na prof. kaya tumahimik ang lahat.
"I'm Professor Jeoffe. Your temporary teacher but I'll be the teacher in training of Class C. Oh! We have a transferee, by the way. Kindly introduce yourself please," paliwanag nya kaya tumayo ako.
"Airen, 17. Plant Controller,"
"Irene? Sya kaya yung nawawalang prinsesa?" rinig kong bulong ng kung sino. Hinanap ko ito at walang ekspresyon na tinignan sa mata.
"I'm Airen Fumuyara and not Princess Shine Irene Montevista," ani ko at umupo. Walang isang nagsalita hanggang sa tumikhim si Sir.
"'Cause today is your first day, you can do whatever you want but please, lessen the noise," aniya saka lumabas.
Ibinalik ko ang atensyon sa bintana. Naramdaman kong may tumabi sa akin at kinulbit ako. Nilingon ko ito at mukha ni Era ang nakita.
"Yes?"
"Let's go. I'm gonna pakilala you to my friends there," conyong sabi nya at hinila ako.
"Guys, here na si Airen. Pakilala na bilis," excited na sabi ni Era. I stood there with no expression.
"Michael Sandoval, Water," pakilala nung lalaking dark blue ang mata na kakulay ng dagat. Kulay itim naman ang buhok. Nakangiti ito at napansin ko ang isang itim na bilog na hikaw sa kaliwa nyang tainga.
"Kent Montereal, the most handsome and twin of Maise. Earth," ani ng lalaking brown ang buhok at may berdeng mga mata katulad ng kay Maise. Kumindat ito kaya nabatukan ni Era.
"Aray! Ikaw'ng - Aish!" inis na sigaw ni Kent habang hinihimas ang parteng nabatukan. Era just stucked her tongue out.
"I'm Liam Garcia, Ice," nakangiting pakilala ng lalaking nakasalamin at ibinalik ang atensyon sa binabasang libro. Para siyang si Maise. Napansin kong kulay asul rin ang kanyang mata pero light, hindi katulad nang kay Michael. Itim ang kaniyang buhok. And lastly, napatingin ako sa lalaking kulay pula ang buhok at intense black nyang mga mata na para kang malulunod kung titigan mo. He has the same emotionless face when I first saw him in the Head's Office.
"Axcel Valdez," usal ko sa kanyang pangalan. Nakita ko ang pagtataka at gulat sa mga mata nila. Bigla ring tumahimik ang maingay na classroom.
"Uhm? M-magkakilala kayo?" Biglang tanong ni Kent kaya napatingin ako sa kanya.
"He was in the Head's Office yesterday. The dean introduced him to me," Ngumiti ako. "If you don't mind, babalik na ako sa upuan," paalam ko at bumalik na nga sa tabi ng bintana. Since nasa 2nd floor ng building ang classroom na ito ay kita ko ang lawak ng buong Midori. Hindi man lahat, pero masasabi kong malaki nga ang paaralan na'to.
BINABASA MO ANG
Midori
FantastikMaige Series #1 ~*~*~*~*~ A girl enter to fulfill the mission they tell To the school she feel the true happiness they never tale In this school full of magic Her face resembles a goddess in Greek And they see this girl as a weak But not in the eyes...