Chapter XII
Kent's POV
Nandito kami sa living room. Ibig sabihin ng kami ay ang buong Atsui. Nakabihis at naka-impake na rin kami, yun nga lang wala pa kaming kain. Balak sana namin na pumunta sa third floor ngayon pero inatake ng bad mood si Boss Axcel at pinagising kaming lahat dahil aalis na daw kami ngayong umaga. Hinihintay nalang namin si Airen. Ewan ko nga kung anong sumapi sa kay Ax dahil kagabi pa siya ganyan. Okay naman siya nung pagpasok namin sa kwarto pero simula nung bumalik siya pagkatapos niyang bumaba para uminom ng tubig ay wala na siya sa mood. Medyo natagalan nga siya eh. Wala ring nagtangkang pang magreklamo dahil sa mood ni Axcel ngayon kaya nanahimik nalang kami.
"Good morning, everybody! Ang aga n'yong gumising, ah? Bakit nakabihis - Oh! Bakit naka-impake na kayo?"
Napatingin kami kay Airen na pababa na ng hagdan. Nakasuot pa siya ng pajama at loose Tshirt na may naka-imprentang kulay dilaw na mukhang sponge ata? Na may mga mata, bibig at naka-shorts... ?
"Oh, bakit walang sumasagot sa'kin? Sofia? Era?" tanong niya ulit
"Axcel said kasi we are going back na daw today," sagot ng nag-iisang conyo sa buhay ko. Taena, ibang klase talaga.
Airen's POV
"Huh? Akala ko ba maglilibot kayo sa taas ngayon," nagtatakang tanong ko pero they just shrugged ang pointed Axcel na parang siya ang kasagutan sa tanong ko. Natigil tuloy ang ako kaya nasa gitna na ako ng hagdanan.
"Axcel-sungit? Bakit atat na atat ka na 'atang umuwi?" tanong ko sa kanya pero hindi man lang ako nilingon. Anong problema nito?
"I'm used to go back to the Academy after the mission," sagot niya
"Okay... ? Wala namang problema sa'kin 'yun. May next time pa naman. Kumain na ba kayo?" aniya'y tanong ko. Umiling sila.
"Okay, go to the kitchen na. Gigisingin ko na muna si Yuzu at yung dalawa kaya susunod nalang ako sa inyo. Just cook what you want to eat since we have stocks pa naman. I'm going to shower pa," bilin ko sa kanila at muling umakyat. Pagdating ko sa kwarto ay hindi ko na naabutan si Yuzu sa kama at nakita ko nalang siyang kalalabas lang sa banyo. Napangiti tuloy ako. Akalain mong four years old palang ang batang 'to pero parang mature na. Minsan nga pag nag-uusap kami ay naguguluhan na ako kung sino nga ba ang mas matanda sa amin.
"Good morning, baby," bati ko sa kanya pagkalapit at pinisil ang mga chubby n'yang pisngi.
"Good morning too, Mi," nakangiting bati niya rin sa akin
"Want me to help you to dress up?" alok ko na tinanggihan niya kaya umupo nalang ako sa dulo ng kama at pinapanood siyang magbihis.
"When will you call me Ate ba?" biglang tanong ko rito. Hindi ko naman kasi anak ang batang 'to ano.
"You took care of me like a mother's do. Kaya I called you Mi," nakangiti man pero malungkot naman ang mga mata niya. I motioned him to come closer after he finished dressing up that he automatically obey.
"Alam mo naman kung bakit ginawa ni Mommy 'yun 'di ba? And Yuzu, she always take care of us, especially you when you are a baby until now. Hindi nga lang tayo magkakasama ngayon. Besides, she visit you naman every week, eh," paliwanag ko sa kaniya. Nakatungo siya kaya hinawakan ko ang kanyang baba para tumingin sa akin. I smiled kaya unti-unti na rin siyang ngumiti at tumango.
"Anyway, gisingin mo na nga yung Ate Kissha at Kuya Kyle mo. Do not call them Tita and Tito, okay? Maliligo muna ako," utos ko sa kanya. Nakangiti siyang tumango and kissed me in my cheek bago siya lumabas.
BINABASA MO ANG
Midori
FantasyMaige Series #1 ~*~*~*~*~ A girl enter to fulfill the mission they tell To the school she feel the true happiness they never tale In this school full of magic Her face resembles a goddess in Greek And they see this girl as a weak But not in the eyes...