Chapter 27: Sergeant Bennett

3K 188 52
                                    

Sergeant Bennett

A spine-chilling growl woke me up from my restless sleep. Napabalikyat ako ng bangon dahil roon. Muli ay nakinig ako sa paligid, pero hindi na iyon nasundan.

I heave a deep sigh and mess my hair when I realized that it was just a sound from my dream. I scanned the whole room and saw them still sleeping. Hindi ko alam kung anong oras pa pero sigurado akong ilang oras pa bago umakyat ang araw.

Medyo nainggit ako sa mga kasama ko na natutulog pa. I can't remember the last time I had a very good sleep. At okay lang iyon kaysa sobrang sarap ng tulog ko at nanganganib na pala ang buhay naming lahat.

Nagdesisyon akong bumangon para uminom ng tubig.

I grabbed my gun and put it on my waist before slowly making my way out. Madilim pero may mga lampara naman na nagbibigay ng kaunting liwanag.

Habang pababa ako ng hagdan ay may narinig akong nag uusap kaya binagalan ko ang paghakbang. I can hear Selena and Adira talking.

My brows furrowed when I realized that I'm not the only one who's already awake.

Nakita ko silang seryosong nag-uusap sa may dining area.

"You don't really have to do this, Sergeant."

Naguluhan ako sa sinabi ni Selena.

"But I want to. I can't stop it but at least, lessen the damage. Maraming buhay ang nakataya dito. Marami pa kayong makikinabang dito. It was an honor for me to be here under your care." ani Sergeant na nagpalakas ng tibok ng puso ko.

Unti-unting umawang ang aking bibig at bumilis ang aking hakbang palapit sa kanila. May namumuong luha sa gilid ng aking mga mata pero pinigilan ko ang pagpatak ng mga iyon. Lumunok ako bago kinagat ang aking labi, nahihirapan akong buuin ang mga salita sa aking isip.

Medyo nagulat sila nang makita akong papalapit sa kanila.

"Napaaga yata ang gising mo, Ija?" Ani Sergeant na parang wala lang ang pinag-usapan nila kanina.

Inihilamos ni Selena ang kanyang mga palad at rinig ko ang kanyang mga buntong hininga.

"Adira, hindi mo kailangang gawin ang iniisip mo." Napailing-iling ako habang binubuo sa isip ang susunod na sasabihin. "What you're thinking is suicide. At hindi iyon kailangan. Lahat tayo ang makakalagpas sa pagsubok na darating. At sabay sabay tayong babangon."

Tumayo si Selena at nakapameywang na tumalikod. Si Adira ay nanatili sa kanyang kinauupuan at bumuntong hininga.

"That's what I told her. We need more hand after all of this Adira." Ani Selena gamit ang malumanay na boses.

"I can't be of any help. Alam n'yong may sakit ako. Ayokong maging pabigat."

Sumakit ang ulo ko sa kakapigil ng aking luha.

"Hindi ka magiging pabigat!" Sabay kami ni Selena na nagsalita.

Gusto kong tumatak iyon sa isip ni Adira. Gusto kong baguhin ang takbo ng isip nya. These past few days, I have seen her getting weaker and weaker. Wala kaming gamot o kahit anong tulong na maibibigay sa kanya para maibsan ang karamdaman nya pero hindi namin siya pwedeng hayaan nalang sa gusto nyang gawin.

I was not surprised when Selena had already knew about her sickness. Maging si Selena ngayon ay hindi maipinta ang mukha.

"How sure are you na hindi papalpak ang plano mo? You will be the only one outside and they are thousands, like what you said." Ani Selena.

"Still. Hindi ako makakatulong in fixing the damage. But I can help in reducing the damage that they may cause."

Sabay kaming napailing-iling ni Selena. Ngayon ay hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. I wasn't expecting any of this.

The Fight For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon