Chapter 5: Pipo, the cat

3.8K 233 28
                                    

Pipo, the cat






Dapat sana lalabas ako ngayong araw. Pero hindi ko magawa dahil ginising ako ng isang dosenang changers kanina.

One week after the outbreak hits, nakita ko kung gaano ka agresibo ang mga infected o changers. Since their body and senses are still in tact for some, malalakas sila at nakakatakot. I stayed for the whole week inside our house. I consumed all our foods in the pantry but left something to bring since I've already made up my mind na iiwan ko ang bahay pagdating ng araw.

Of course, they're horrifying. Pero noong isa-isa lang ang masasalubong ko. Nakakaya ko ang takot. But now that I saw over ten groups of them, bumabalik ang sobrang takot ko sa kanila.

Paano ba naman hindi? They walk around in groups right now! And for what reason? Are they using their minds?! Damn. Mas nakakatakot isipin 'yan. Lalo na kung ipagpalagay natin na isang daan ang magkasama. Mahihimatay yata ako sa takot kung makita ko sila na parang mga langgam na nagsasama-sama.

Yesterday, I was undeniably bothered by those two guys leaving me. Napapaisip ako kung kamusta na sila. At dahil ayokong malunod sa pag-iisip sa kanila ay lumabas ako para humanap ng sasakyan kahit alam kong walang posibilidad na may makita akong gumagana.

Naghahanda na ako dahil sa makalawa ay lilipat na ako. I don't know where basta sa kahit saan.

Wala na akong makukuha dito kaya sa ibang lugar naman ako magbabakasakali.

Since I have nothing to do, napag-isipan ko nalang na ayusin at ihanda ang mga dadalhin ko.

I have a gun, flashlight, knives in different sizes which I got from our house, my candles, matches and lighter, my clothes at ang mga natitirang pagkain at tubig ko. Bumuga ako ng hininga habang iniisip kung ilang araw nalang ang itatagal ng pagkain ko. Lastly, a bottle of gasoline to mask my scent. During the earlier days of the apocalypse, sobrang talas kasi ng pang-amoy ng mga changers. I used any kind of strong substance to cover my scent that time. Kahit hindi na gaanong katalas ang pang-amoy nila ngayon, I still keep something with me. In case I'll be needing it one day.

"It's okay, Xandre. You will survive." I muttered to myself.

Napaisip tuloy ako kung ano kaya ang buhay ko kung nandoon ako sa rural areas. For sure they have vegetables and fruits there. Should I head there as well? Hmm. Maybe one day...

My day passed by without doing anything important. Now that I'm sleeping alone again, mukhang naninibago ang isip ko dahil hindi ako agad nakatulog. I hope there won't be another batch of changers to wake me up tomorrow.

"Xandre, don't live alone."

I heard mom say. Umiling-iling ako.

"I have to, Mama. Ayokong maiwan ulit. Ayokong mawala sila ng dahil sa akin." Umiiyak na sabi ko kay Mama.

Bakas ang gulat sa kanyang mukha dahil sa sinabi ko. Umiling-iling ako.

"Xandre, bakit mo sinisisi ang sarili mo?" Nagtatakang tanong ni Mama, nilapitan nya ako at hinawakan ang aking dalawang kamay.

"You are strong that's why you're still alive! 'Wag mong isipin na ikaw ang dahilan kung bakit sila namatay. At... Anak, kailangan mong tanggapin kung mawawala man sila sa'yo! Nagbago na ang mundo. 'Wag mong hayaan ang sarili mong makulong sa nakaraan, sa sakit at takot."

Hindi ko alam kung kanina pa ba ako gising. I just found myself with eyes wide open as I stare at the clear sky. Napaisip tuloy ako kung panaginip ko ba 'yon o kinakausap ako ni Mama mula sa langit.

The Fight For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon