Someone in the woods
Naririnig ko ang mga yabag nina Dome at Sergeant sa labas pero parang naka glue ang mga mata ko sa malayo. Doon sa kung saan ko nakita iyong tumakbo.
Mabilis ang tibok ng puso ko. I don't know who they are.
At bakit nandoon sila sa daan. I'm sure it's not a changer.
Mataas ang sikat ng araw sa labas at sa malayo ay may nakikita akong mga changers na papalapit sa amin.
"Dome! May nakita kami!" Ani El pero hindi sya pinansin ni Dome.
Parang wala sa sarili si Dome nang tignan ko sya. Inihilamos nya ang kanyang dalawang palad bago ginulo ang kanyang buhok.
"Wala ng camp. I don't know kung papaniwalaan ba namin ang sinasabi doon. P-Pero... It went down. Nagpunta tayo dito para sa wala." Ani Dome gamit ang matamlay na boses.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. I lean on the back rest and heave a sigh. Ito yata siguro ang kakaibang nararamdaman ko kanina. This is a bad news.
Pero... may nakita kaming survivors.
Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kung saan ko nakita iyong tumakbo kanina.
What if isa sila sa mga survivors ng camp na 'yon?! At 'yong isang changer kanina! Napalingon ako kay El pero nakayuko na sya ngayon.
"Dome, may nakita kami ni El!" I exclaimed.
Agad na naalerto si Dome sa sinabi ko.
"Where?!"I instanly pointed the other way na hindi ko alam kung saan patungo. Napalunok ako nang tignan ko iyon. It's a long road straight to wherever.
"Sigurado ka?"
"I saw it too, Dome. May tumakbo kanina." Ani El.
"Then let's take that road." Walang pag-aalinlangang sabi ni Dome na nagpahigpit ng hawak ko sa manibela.
"Are you sure about this, Dome?" I asked.
Hindi ko alam kung sino iyon. Sana lang ay hindi sila gaya ng mga bandido.
"Hindi ko alam. Pero tingin ko'y sila lang ang nakakaalam sa totoong nangyari sa camp." Ani Dome.
Tumango ako. Tama sya. I'm sure they know about the camp. O baka nga nanggaling rin sila doon.
Bumusina ako para ipaalam kay Sergeant na aalis na kami. Nakasilong lang kasi sya doon sa may puno. She throw her cigarette away bago mabilis na naglakad patungo sa kanyang motorsiklo.
Nagpakawala muna ako ng hininga bago pinatakbo ang sasakyan.
"Subukan n'yong tignan ang buong paligid. If they're not like the bandits, I'm sure nagtatago na sila ngayon dahil baka akala nila tayo ang mga bandido." I said to them.
Kakahuyan na ang nadadaanan namin. Binagalan ko lang ng kaunti ang takbo ng sasakyan namin para makita ko ng maayos ang sa kakahuyan. Ilang metro pa naman ang layo namin sa kung saan ko nakita iyong tumakbo pero nagbabakasakali ako na baka nandito sila sa malapit.
Ilang metro na ang tinahak namin pero hindi ko parin sila makita. Nang makarating na kami doon sa kung saan ko nakita iyong tumakbo ay wala na rin kaming nakita kaya dumagundong sa kaba ang dibdib ko.
Was it a ghost? Nilingon ko si El. Nakatingin rin sya sa akin ngayon kaya napalunok ako. Does this man have a third eye?
Baka nga multo 'yong nakita namin sa dami na ng namatay!
BINABASA MO ANG
The Fight For Life
HorrorHighest ranks reached: #3 in Zombie #2 in Zombieapocalypse #8 in Survival #3 Horror-Thriller "They die feeling unlucky, but I consider them the luckiest. Hindi nila mararamdaman ang paulit-ulit na iwan ng mga mahal nila." Naganap ang nakakahindik na...