Days of preparation
I saw Derine and Hebrew talking on the sofa. After we had our dinner, 'yong iba sa amin ay nagsiakyatan na para magpahinga.
Maliban sa akin, si Selena, El, si Ate Tanya, Kuya Fred, Hebrew at Derine.
Ilang beses ko ng narinig na magbuga ng malalim na hininga si El. Si Derine at Ate Tanya ay kanina pa umiiyak. Parang mababaliw si Ate Tanya at kanina pa pinapatahan ni Hebrew si Derine.
This is my first time to be in this kind of situation after three months.
Hindi ako mapakali. Kaunting ingay lang ay napapatayo ako at napapatingin sa may bintana. Nagbabakasakali na ugong ng kanilang sasakyan ang narinig ko. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko ang sarili ko. I'm worried sick. Pero ayokong dumagdag sa alalahanin ng iba.
Selena sits on one chair in the dining table. Magkadaop ang kanyang mga palad at nakadikit iyon sa kanyang noo.
Hindi ko alam kung nag-iisip sya ng malalim o nagdadasal.
Tuluyan ng nilamon ng dilim ang paligid. At imposible ng dumating pa sila sa mga oras na ito lalo na't lumalalim na rin ang gabi.
Natatakot ako. Kinakabahan ako. Nag-aalala ako ng sobra-sobra para sa iba na nasa labas. Nag-aalala ako kay Dome.
What if something happened to them? What if they're trapped? What if I won't be able to see Dome again?
Napamura ako dahil sa sarili kong pag-iisip. I let out a deep sigh before I lean over the table. Even if we want to rescue them, Selena wouldn't let us for sure. Dahil kung delikado kung maliwanag pa, mas delikado sa dilim.
"Hindi ba tayo gagawa ng paraan para makauwi sila?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Ate Tanya.
"Tanya, you know better than anyone that there's a rule on this matter. We can't do a rescue operation at this moment." Ani Kuya Fred.
"What if my nangyari sa kanilang masama?" Si Derine, kanina nya pa inuulit ang tanong na iyon.
"Derine, they'll be back by tomorrow." Ani Hebrew, kanina nya pa inaalo si Derine.
"We don't know what happened to them." Malungkot na sabi ni El habang nakayuko.
All I can do is sigh. Kinagat ko ang aking ibabang labi. Gusto ko mang tumulong pero hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Talaga bang wala kaming gagawin para sa kanila ngayon?
"I know how you all feel. Ilang beses na akong nakaramdam ng ganitong pag-aalala sa anak ko. This happened too when we were in the camp. Inasahan ko sila sa umaga at hindi kami nabigo." Malumanay na sabi ni Selena.
Nagbuga sya ng malalim na hininga at pinilit na mabigyan kami ng isang ngiti.
"I want you all to take some rest. For sure, they'll be here by tomorrow." Aniya.
But Dome said they'll be here before sunset. Yet they're still not here. Ito pa lamang ang unang araw ng paghahanda namin. Paano nalang ang susunod na mga araw kung may nangyari nga'ng masama sa kanila? Ano ang posible pang mangyari sa amin?
I stare at them as they made their way to their rooms. Sinulyapan ko muna si Selena bago sumunod sa mga nauna. I'm not that someone who worry too much about anyone aside from my loved ones. Pero pakiramdam ko ay unti-unti akong nagbabago kasabay ng mundong ito.
Parang ang dami kong ginawa kanina dahil mabigat ang pakiramdam ko. Tinignan ko si Sergeant na natutulog maging si Ate Ella.
Instead of going to bed, I decided to sit on the carpeted floor. I don't think I'll be able to sleep tonight. Nag-aalala ako kay El, lalo na kina Dome.
BINABASA MO ANG
The Fight For Life
HorrorHighest ranks reached: #3 in Zombie #2 in Zombieapocalypse #8 in Survival #3 Horror-Thriller "They die feeling unlucky, but I consider them the luckiest. Hindi nila mararamdaman ang paulit-ulit na iwan ng mga mahal nila." Naganap ang nakakahindik na...