Story to tell
Pabalik-balik ang tingin ni El sa akin habang bumabyahe kami. May ngiti na sa kanyang labi kahit ilang minuto pa lang ang lumipas nang masabi ni Sergeant sa amin ang kanyang nakita.
Tinignan ko si Dome. I didn't talk to him. Pagkatapos ng naging sagutan namin kanina ay nandito ako ngayon sa likod nila, at sasama sa kanila papunta sa pupuntahan nila.
Talagang nabago nga ni Adira ang isip ko. Not because of the horrifying information that she shared to us but because of the things that she said. Malinaw ang lahat ng 'yon sa akin. At kahit nandito na ako ngayon kasama sila, I know it still won't be easy for me.
Kaya mas mabuting panatilihin ko pa rin ang pader sa pagitan namin.
I let Pipo sleep in my lap habang bumabyahe kami. Unti-unti nang sumisikat ang araw at nakapasok na kami sa ibang city ngayon.
Nilingon ko si Sarge na nakasunod sa amin. Mas pinili nyang gamitin ang motorsiklo nya kahit kasya naman kami dito. She's puffing her cigarette again kahit nagmamaneho.
I think it's for easing her anxieties. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at humarap na. Nahuli ko na naman si El na nakangiti sa akin.
"Masaya lang ako sa naging desisyon mo, Xandre. I thought we will really part ways." Nakangiti n'yang sabi.
Nakangising umiling-iling ako.
"Akala ko rin e."
There's no awkward air between me and El. Maliban kay Dome at dahil 'yon sa naging sagutan namin kanina.
Habang tumitingin ako sa dinadaanan namin ay naalala kong hindi pala nakatulog si Dome dahil sa mga nangyari. Agad akong napatingin sa rearview mirror pero agad rin akong umiwas nang magtama ang mga mata namin doon.
I know I'm mean and rude pero alam ko naman ang dapat at hindi dapat. At alam kong kailangan rin ni Dome magpahinga lalo na't naligo pa sya kanina kahit gising sya buong magdamag. It's not good for the body.
I cleared my throat bago naglakas loob na magsalita.
"How long will it take for us to reach the camp?" I asked.
Hindi ko na inasahang sasagot si Dome dahil nga sa naging pag-uusap namin kanina pero nagulat ako nang boses nya ang narinig ko.
"Less than three hours." He said coldly.
Napalunok ako at tumikhim.
"I can drive if you'll let me." I suggested and look at him through the rearview mirror.
Seryosong-seryoso ang kanyang mukha at nakaigting rin ang kanyang panga.
"I'm fine." Aniya.
Tumingin ako kay El, umaasang siya ang papalit kay Dome kung hindi nya ako papayagan pero nahihiyang ngumiti lang si El kaya nanlaki ang mata ko.
"Gusto ko sanang magvolunteer kaya lang I can't drive a car. Sorry, Xandre..." Aniya at nag peace sign pa.
"It's okay. Dome, let me drive. Gigisingin ka namin after an hour and a half." Sabi ko kay Dome.
"I said I'm fine, Xandre."
"Sa ngayon, okay ka pa. Pero babagsak ang katawan mo kung pipilitin mo, Dominic! You even took a shower kahit hindi ka nakatulog!" Angal ko.
I heard him groan pero hindi ako nagpatinag.
"Stop the car for a bit. Don't worry, I enrolled for a driving lesson before I got my student permit." I assured the both of them.
BINABASA MO ANG
The Fight For Life
HorrorHighest ranks reached: #3 in Zombie #2 in Zombieapocalypse #8 in Survival #3 Horror-Thriller "They die feeling unlucky, but I consider them the luckiest. Hindi nila mararamdaman ang paulit-ulit na iwan ng mga mahal nila." Naganap ang nakakahindik na...