Chapter 22: The Sun Won't Shine

3K 188 42
                                    

The sun won't shine












The sun has set already and we were all exhausted. I helped in mixing the cement, gravel and sand while they make a molder for the canal.

Pagkatapos naming mananghalian ay nagpaghinga muna ang mga kakarating lang. Kami naman ay nagpatuloy sa aming nasimulan. We were all determined to finish it before sunset. But sadly, we didn't and we will not be able to use it yet.

Pagod na pagod ako nang makapasok ako sa kwarto namin. Kailangan kong makaligo at makapag-ayos ng sarili bago kami maghapunan.

Hindi ko naman inasahang madadatnan ko sa loob si Sergeant, sa tabi nya ay si Pipo at nilalaro nya ito.

I have been busy now that we are here at hindi na kami masyadong nakakapaglaro ni Pipo. Ayoko naman kasing maging pabigat at palamunin lang dito. I have to do everything to help. Lalo na't pinatira lang nila kami dito.

"Kamusta po ang pakiramdam n'yo?" I asked, getting Jewel's attention.

Tumingin muna s'ya sa pinto bago ibinalik ang tingin sa akin.

"I'm feeling better now. Thank you." Seryosong sagot nya.

Binigyan ko na lamang sya ng maliit na ngiti bago nagtungo sa mga kagamitan ko para kumuha ng damit.

"Sana walang ibang makakaalam tungkol sa kalagayan ko." Sandaling natigilan ako sa sinabi ni Sergeant.

Kiming ngumiti ako at mahinang tumango.

"Wag po kayong mag-alala." Maliit na ngiti ang iginawad nya sa akin. "May tanong po ako."

Nag-angat sya ng tingin dahil sa narinig nya mula sa akin. Nakakunot ang kanyang noo habang naghihintay sa tanong ko.

"Do we stand a chance?"

Kitang-kita ko ang paglunok ni Sergeant dahil sa naging tanong ko. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan habang naghihintay sa sagot n'ya. I'm just so bothered while we were working outside.

Hindi namin alam kung makakatulong ba ang lahat ng ginagawa namin ngayon pero ito lang rin naman ang naiisip namin na pwedeng gawin. At mas mabuti na 'yon kaysa wala kaming gawin. Natatakot ako, sa totoo lang. Hindi ko man nakita ang sinasabi ni Sergeant Benett pero nailalarawan ko sa isipan ko ang lahat ng sinabi n'ya.

"Hindi ko alam. Ligtas tayo dito pero hindi ko alam hanggang kailan."

Bumuga ako ng malalim na hininga dahil sa isinagot nya sa akin. Maging sya ay hindi rin sigurado kung may patutunguhan bang maganda ang lahat ng ito.

I hurried in cleaning myself up. Nang matapos ako ay nakipaglaro ako sandali kay Pipo bago ko napagpasyahang bumaba kasama sya. I found Eason and Harris busy cleaning their guns. They looked so serious while doing it when a thunder rang our ears causing them to lift their gazes.

I guess it will rain tonight. Hindi rin nagtagal nang makarinig kami ng mahihinang patak ng ulan.

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang mga sinemento namin sa labas. Kailangan pa ng mga iyon na matuyo.

I saw Kuya Machia and Kuya Fred rushing outside, sumunod naman si Dome sa kanila kasunod si Kuya Phoenix. Kinabahan ako habang nakatingin sa kanila dahil medyo madilim na sa labas.

Inilibot ko ang paningin sa kinaroroonan ko. Ate Aide also rushed outside habang sina Ate Ella at Blaire ay parang wala lang sa kanila ang nangyayari.

Hindi pwedeng walang akong gagawin at maghintay lang na matapos sila sa kanilang mga ginagawa.

"Xandre, saan ka pupunta?" I heard El asked as he follows me.

The Fight For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon