Dome and El
"Why are you still here?!" I exclaimed angrily and picked myself up, back to my feet.
Bakas rin ang gulat sa kanilang mga mukha nang magtama ang mga mata namin. Kita ko ang pagpakawala ni El ng malalim na hininga. Humarap sya kay Dome.
"I told you."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni El. Nameywang ako habang naghihintay sa kanilang sumagot sa tanong ko.
"Ano?! Ba't nandito pa kayo?!"
Naglakad ako palapit sa kanila at pinaalis sila sa higaan ko. Ang kapal naman ng mga mukha nila para dito talaga maupo.
"We saw the bandits, Alexandre." Napalunok ako nang buong pangalan ko ang binigkas ni Dominic.
"You guys promised to leave!"
Umiling-iling si Dome habang nakaigting ang panga habang si El naman ay walang emosyon ang mukha.
"Wala kaming ipinangakong ganyan. Aalis kami kung kailan namin kailangan." Seryosong sabi ni Dominic.
Nalaglag ang panga ko sa kanyang sinabi. Pinakalma ko ang sarili ko. I took a deep breath bago humarap sa kanilang dalawa. Hindi ko sila maintindihan. They said yesterday that they only need a place to rest. Just for a night! At ano 'to ngayon? Niloloko naman yata nila ako eh!
"Then transfer to a different place. Nauna ako dito. Iniligtas ko kayo kagabi. You can't stay here for another night." Kalmado na ang boses ko ngayon pero seryoso.
I keep a stoic face. I bit my lower lip trying to read what's on their mind.
Ayokong nandito pa rin sila. Nakakainis. Akala ko wala na akong aabutan dito pero nandito pa rin sila ngayon.
"Bakit, Xandre?" Tanong ni El kaya napatingin akong muli sa kanya.
Was this the first time he called me Xandre? Mukhang tinawag nya naman ako kagabi diba? Bakit parang nanibago ako ngayon.
"Just because. Leave now. Maghanap kayo ng iba n'yong tutulugan."
I turned my back to them. Ayoko na silang makausap. Itinabi ko ang bag ko sa aking higaan.
"I remember you, Xandre. Taga Clamento ka rin at nakita na kita noon." Ani El na nagpatigil sa akin.
So what? Wala akong pakialam kung nakita nya na ako dati o magkakilala kami. I want them gone. I don't need them. They don't need me. Why are they making this hard for us?
"I'm not from Clamento, El." Nagpakawala ako ng hininga bago sila hinarap. "Look, tapusin na natin 'to. Just find another place to spend the night. Dalawa naman kayo eh."
Tinignan ko si Dome pero agad rin akong umiwas dahil sa mga titig nya.
"Why are you lying, Xandre?"
"El, hindi ako 'yong nakita mo. I'm glad that I met you but you can't stay here any longer!" Hindi ko mapigilang magtaas ng boses.
May konting liwanag pa naman. Tingin ko'y may dalawampung minuto pa sila para maghanap ng matutuluyan ngayong gabi.
"Are you really that heartless? Alam mong magdidilim na, Alexandre." Kalmadong sabi ni Dominic na mas lalong nagpakulo ng dugo ko.
"You don't know me, Dominic!"
"Yeah, I don't but Rafael knows you."
Umiling-iling ako at lumayo sa kanila para huminga ng maayos. Hindi ko maintindihan kung bakit namin pinag-aawayan 'to. Kung bakit hindi nalang nila sundin ang sinasabi ko! They should respect the fact na ako ang nauna dito! Should I leave?! Para wala ng dapat pang pag-usapan!
BINABASA MO ANG
The Fight For Life
HorrorHighest ranks reached: #3 in Zombie #2 in Zombieapocalypse #8 in Survival #3 Horror-Thriller "They die feeling unlucky, but I consider them the luckiest. Hindi nila mararamdaman ang paulit-ulit na iwan ng mga mahal nila." Naganap ang nakakahindik na...