Hello readers! See the picture above. 'Yan ang naiimagine kong bahay nina Selena, 'yong two storey sa right side but surrounded with tall walls at moderno lang. Hahahaha. Pero dependi pa rin sa imagination n'yo. Baka may mas cool pa kayong maiimagine.
—————
Not now but someday
Parang puputok ang dibdib ko dahil sa lakas ng tibok nito.
Hindi dahil sa naging pagyakap ni Dome o dahil sa nararamdaman ko para sa kanya. Kundi sa mga ingay na nagmumula sa labas kanina.
The gehennas were so determined to get in that one of them got badly injured after attempting to jump on the walls with spikes.
Mahigpit ang hawak ko sa aking baril at sandali ring nawala sa isipan ko sina Dome at El dahil sa mga gehennas. Buti nalang talaga at sumikat na ang araw.
At tungkol sa panaginip ko at kay Dome. Mamaya ko na lamang iisipin ang tungkol doon. There are other important things than that.
Nandito kami sa labas ngayon maliban sa mga kakauwi lang. It's really a big relief for us now that they're back. Hindi na ako makokonsensya at mag-aalala.
I watch as Harris drive the car and park it inside.
Puno ang likod nito ng mga gamit na mapapakinabangan. Gaya ng barbwires, ilang sako ng semento at paputok na hindi ko alam kung saan at gaano kalayo ang tinahak nila para makakuha ng ganoon. Hindi pa sila nakakapagkwento tungkol sa nangyari sa kanila. Siguro ay mamaya pa sa almusal.
"Hey."
Napaigtad ako nang biglang may magsalita sa likuran ko.
Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Eason.
"You looked cool back there. I didn't know you're good with guns." Nakaangat ang sulok ng kanyang labi.
I laughed a little. Not because of his remark. Pero sa mga papuri nya sa akin. Pangatlong beses nya na yata akong pinuri. Natatawa lang ako dahil napaka-vocal n'yang tao. Iyong tipong kung ano ang naiisip nya ay sinasabi nya talaga.
"My Papa taught me, which I'm thankful for dahil nakakatulong ang itinuro nya para mabuhay ako." I said.
Tumango-tango lamang sya bago tumingin sa paligid. The weather is nice today and we are seeing a beautiful scenery. God, I love this kind of view.
Kakasikat pa lang ng araw kaya medyo malamig pa ang hangin. Nagkukulay kahel rin ang mga dulo ng mga punong kahoy sa malayo dahil ito pa lamang ang natatamaan ng sikat ng araw. Berde ang mga mga damo at kay sarap mamasyal sa labas.
Sabay kaming bumuga ng malalim na hininga ni Eason habang nakatingin kami sa labas.
"Are you thinking of going out?" Eason asked out of the blue.
Kuminang naman ang mga mata ko dahil sa naging tanong n'ya. To be honest, I really want to. Mahinang tumango ako.
"Maybe you can come with us sometime. Siguro bukas, lalabas ulit kami. You should come." Ani Eason.
"Sige ba!" Walang pag-aalinlangan kong sabi.
Pero gusto ko ring bawiin ang sinabi ko nang maalala ko ang mga kakarating lang. Pero pwede ko rin namang baguhin ang aking desisyon.
Magsasalita pa sana ako nang biglang sumulpot si Reign. Seryoso ang mukha nito nang magtama ang tingin namin.
"Ease, kanina pa kita hinahanap. Come on." Ani Reign.
BINABASA MO ANG
The Fight For Life
HorrorHighest ranks reached: #3 in Zombie #2 in Zombieapocalypse #8 in Survival #3 Horror-Thriller "They die feeling unlucky, but I consider them the luckiest. Hindi nila mararamdaman ang paulit-ulit na iwan ng mga mahal nila." Naganap ang nakakahindik na...