Death, not today
Pride.
I have a pride kaya mas pinili kong umiwas ng tingin at tahimik na humiga sa higaan ko na parang wala lang nangyari.
I bit my lower lip when my stomach growled once more.
Pride. Hindi ako mabubusog sa pride. Hindi ako mapapakain ng pride ko. At hindi ako makakatulog kung papairalin ko ang pride ko.
Should I ask for some? O dadaanin ko ito sa dahas...
No, Xandre. They'll surely give you some food since you help them. Pero si Dominic? He doesn't like me and he's firm. Tingin ko'y hindi nya ako bibigyan pero pwede naman akong humingi kay El, diba? Nagtatalo ang tiyan at isip ko lalo na nang marinig ko ang isa sa kanilang ngumunguya.
Bullshit! For sure it's Dominic and it's his way of getting back at me. How can he do that to someone who saved his life!
Pinilit kong ipikit ang aking mga mata nang manaig ang utak ko kaysa sa aking tiyan. I heard someone cleared his throat bago ko narinig ang pagtawag sa pangalan ko na otomatikong nagpabangon sa akin.
Gumapang ang hiya sa aking buong katawan nang makita ko ang ngisi ni Dome habang nakatitig sa akin. I shot him a glare. This is too embarassing! Pero kailangan kong tiisin at lunukin ang pride ko. Hindi na rin naman kami magkikita bukas kaya maibabaon ko lang 'to sa limot ang lahat.
"Xandre, sa'yo na 'to oh!" Ani El at ibinigay sa akin ang isang pakete na may lamang wafer.
Hulog ka talaga ng langit, El!
Walang pag-aalinlangang tinanggap ko ito mula sa nakangiting si El.
"T-Thank you." I uttered and gave him a smile na nagpalaki ng kanyang mga mata.
"You look familiar." Wala sa sariling sabi ni El at ngayo'y nakakunot na ang kanyang noo.
Umiling-iling lang ako bago umayos ng upo sa higaan ko. Wala sa sariling bumalik si El sa kanyang pwesto. Nilantakan ko agad ang pagkain na ibinigay nya. This is not the kind of food that I prayed for but I can't be picky anymore.
Masamang nakatitig si Dome sa akin. I smirked as I stare at his annoyed face. Gusto ko s'yang tawanan. He told me he won't give me any but his friend did.
"Kabayaran 'yon sa pagpapatira mo sa amin dito." He said in a serious tone.
"Alam ko. I'll go out early tomorrow and I'm expecting that you won't be here anymore by the time I come back." I trailed off before tucking under my blanket.
I closed my eyes without hesitation. Kuntento na ang sikmura ko. Inisip kong mabuti ang tungkol sa mga kasama ko.
They were the first after my last encounter with other survivors. And I think I can trust them tonight. I won't let my guards down though. They are men at wala akong laban sa kanila kung may gagawin silang masama sa akin.
Nagdasal na lamang ako na sana'y bantayan ako ng Panginoon ngayong gabi. The night screams silence, no crickets or other sounds. But other nights keeps me awake lalo na kapag may dumadaang changers at sa umaga naman kapag may dumaang sasakyan ng mga bandido. I have to sleep well tonight since I will be running around tomorrow.
I wish they can sleep well, too. I may be harsh and rude but I still want them to survive at marating 'yong gusto nilang puntahan. Without me. They will live and leave without me.
"Xandre, you're being too mean. Gusto mong tumandang dalaga?" Tanong ni Kayla sa akin pero inirapan ko lang s'ya.
"I'm fine with it." I stated.
BINABASA MO ANG
The Fight For Life
HorrorHighest ranks reached: #3 in Zombie #2 in Zombieapocalypse #8 in Survival #3 Horror-Thriller "They die feeling unlucky, but I consider them the luckiest. Hindi nila mararamdaman ang paulit-ulit na iwan ng mga mahal nila." Naganap ang nakakahindik na...