When Pipo licks
The day I found out that the largest camp in Macedon went down, I lose a glint of hope.
Akala ko wala ng mawawala sa akin noon. Meron pa pala. Ang pag-asa. At kaya ako nabubuhay hanggang ngayon ay dahil umaasa akong babalik sa dati ang mundo.
Pero noong malaman kong nasira ang natitirang pinakamalaking kampo ng survivors, nanlamig ako. It was two weeks ago before I moved sa dating gusali kong tinitirhan. I heard about it from the bandits. And that was my closest encounter with them.
Pagkatapos nun ay pinagpatuloy ko pa rin ang buhay ko. If the biggest camp is gone, I'm sure may mga nakasurvive pa rin sa kanila. Pero hindi ko alam kung nasaan sila ngayon.
Kung pumasok ba sa isip ko ang sumama sa mga kampo? Ang sagot ko ay oo. To be honest, napag-isipan ko rin iyong alok ni El na sumama ako sa kanila. But... I hesitated. Maybe not now. I know someday I'll find myself finding the camp where they're headed to.
Pabalik-balik ang lakad ko sa loob ng kwarto. The fact that the changers are still outside makes all my nerves uneasy. I have to find a way to go back to the rooftop.
Pero paano? Kung nandoon sila sa labas at nag-aabang sa akin?! Tinignan ko si Pipo at nanonood lang sya sa akin.
Should I go out and drive them away? Iyon lang ang naiisip kong paraan at alam ko rin kung gaano kadelikado iyon. If I do that, kailangan ko munang iwan si Pipo dito.
Lumapit ako kay Pipo at hinawakan sya.
"Pipo, dito ka muna ha. Gagawa lang ako ng paraan para makalabas tayo dito."
Pipo let out a soft cry. Maybe he's worried. I let out a deep sigh bago hinalikan ang kanyang ulo.
"Promise. I'll come back for you." I uttered.
Nagmamadaling lumapit ako sa bintana ng kwarto. Dahan-dahan kong hinawi ang kurtina nito. Agad na pumasok ang sikat ng araw sa loob ng kwarto kaya ibinalik ko ito.
My heart is pounding loud on my chest. Hindi pa kami nakapananghalian ni Pipo at gutom na ako. Kaya kailangan na talaga naming makauwi.
Bumuga ako ng hangin bago bumalik sa may bintana. I checked the windows and saw that it's locked kaya dahan-dahan kong iniunlock ito.
I checked outside and there's no one pero natatakot parin ako. But I have no choice.
I slowly slide the window, inilabas ko ang ulo ko para tignan sa baba. Nanlumo ako nang makitang matayog ang babagsakan ko kung lalabas ako mula dito sa bintana. There are peebles down there and it will make a noise if I jump out from here.
Mahaba ang agwat nito mula sa lupa at kailangan ko ng papatungan kung babalik ako dito lalo na kung nagmamadali ako. I look back around the room and saw the chair in the dresser. Dali-dali akong naglakad patungo roon at kinuha iyon.
It's a little bit heavy but it'll do good.
Maingat ko itong ibinaba sa labas ng binta at dahil sa bigat nito ay hindi sinasadyang nabitawan ko ito dahilan para gumawa ito ng ingay. I muttered several curses after shutting the window closed. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
I waited for five minutes before I peek again. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala namang changer doon.
I checked the gun at my back bago ko dahan-dahang inilabas ang mga paa ko. Good thing that the chair remained standing kaya pumatong ako dito. With one last look at Pipo, I hop down the chair.
My back is against the wall as I scrutinized the area. Ichicheck ko muna ang magkabilang gilid ng bahay so that I will know kung ilan pa silang nasa labas.
BINABASA MO ANG
The Fight For Life
HorrorHighest ranks reached: #3 in Zombie #2 in Zombieapocalypse #8 in Survival #3 Horror-Thriller "They die feeling unlucky, but I consider them the luckiest. Hindi nila mararamdaman ang paulit-ulit na iwan ng mga mahal nila." Naganap ang nakakahindik na...