Chapter 9: Bandits in Brewer City

3.4K 219 71
                                    

Bandits in Brewer City

Please, please, please... You have to come out now, sun!

Todo ang pagdasal ko kahit alam ko namang ilang minuto pa ang aabutin bago tuluyang sumikat ang araw.

I'm now aiming my gun on the door that leads downstairs. I can still hear them trying to get in.

Sinubukan kong lunukin ang takot ko. I don't know how to handle them kaya mas natatakot ako. Hindi sila gaya ng changers. Iba sila! Pero hindi pwedeng manaig ang takot ko.

Ngayon pa ba ako magpapalamon sa takot gayong nakarating na ako ng ganito kalayo at nabuhay ng ganito katagal?

I breathe deeply and swallowed my fear. I just have to bear it for several minutes. When the sun comes out and we're still alive, I'll make sure that they won't find us here by the next day. Titiisin ko lang 'to!

Lumalakas ang pagkalampag na naririnig ko sa baba hanggang sa naramdaman kong nakapasok na talaga ang mga 'yon. I can hear their footsteps dahil sa sobrang tahimik ng paligid.

Buti nalang at nanatiling nakatago si Pipo sa may tiyan ko. I thanked God for making Pipo quiet in these moments.

Maliwanag na ang paligid. Ilang minuto nalang at sisikat na ang araw. Napalunok ako nang marinig kong muli ang pagkalampag nila sa baba.

Naririnig ko ang pagkahulog ng mga upuan na sinadya kong ipatong sa mga mesa at iniharang sa hagdan paakyat dito sa rooftop. They're clearly finding ways to get to me dahil alam nilang imposible nila akong makuha kung sa ibang gusali sila dadaan papunta sa akin.

The noise stopped. This time ay wala na akong marinig kaya mas lalo akong kinabahan. I can see the sun now. Pero hindi pa ito masyadong nakaakyat. Still, I thank it for coming out nang biglang may kumalampag sa pinto na kaharap ko ngayon.

Napalunok ako at itinuon ang tingin roon.

"Shit, Pipo! Bakit parang basa ang tiyan ko?!" I whispered angrily.

Humanda lang sya pag makumpirma kong umihi siya sa damit ko!

The creatures bang the door again. Napapaigtad ako tuwing naririnig ko ang paghampas nila sa pinto. Kinalampag nila itong muli at nagpapasalamat ako na hindi pa rin ito bumubukas.

But I was wrong...

After a blink of an eye, I saw how the door flew in the air.

Without hesitation, I shoot what's behind that door. Its shriek sent shivers down my spine. Sobrang lakas ng putok ng baril ko pero kahit ganoon ay naririnig ko pa rin ang mga hiyaw nila sa hagdan.

I gritted my teeth. Tatlong bala na ang napakawalan ko. I load the shotgun once again kahit nanginginig ang mga kamay ko. Pero lumitaw ang isa sa kanila.

Its shriek pierce through the thin air. Nalaglag ang panga ko nang makita ko ng malapitan ang pagbukas ng bibig nito at ang nakakatakot nitong itsura.

I aim at the creature and fire. Its brown blood rolled down its chest. Umamba itong lalapit sa akin habang humihiyaw. Pero binaril ko ulit ito gamit ang mga nanginginig kong mga kamay. This time, I hit its neck dahilan para matumba ito bago tuluyang makalapit sa akin.

I fell into my butt. Pero napasigaw ako nang makitang may dalawang ulo pa ang sumungaw sa may pintuan.

But they didn't lunge this time.

Their eyes were focus on the rising sun. Humiyaw sila ng napakalakas bago nag-uunahang nawala sa paningin ko. They rushed downstairs and they run on the street back to the path that I just took in coming here.

The Fight For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon