MBIMSL~Chapter32
Dwight's Point Of View
Natapos kaming mag libot at manood ng kung ano-ano, nakaramdam na ng pagod si Stacey at Akisha kaya naman napag isip namin ni tita Joy na umuwi na dahil masyado na ding gabi.
Habang nag lalakad kami pauwi, hindi ako pinapansin ni Stacey kaya naman lumapit ako sakanya at inakbayan siya, nakita ko ang pag kagulat niya kaya naman napatingin ito sakin.
"Hindi moko pinapansin e!" ngumiti ako at sumabay sa pag lalakad niya.
"Bakit kailangan mong pansinin yun?" tanong niya kaya naman napalingon ako sakanya, nakatingin siya ng seryoso sakin at biglang tingin sa nilalakaran namin.
"Yung alin?" tanong ko
"Dwight At Stacey dito na kami, pag uwi nyo mag pahinga agad kayo alam kung napagod kayo!" napatingin ako kay tita Joy, hindi ko na malayan na andito na pala kami.
"Sige po kayo din po." sagot ko.
"at isa pa pala nais kung imbitahan kayo sa darating na sabado, dahil kaarawan ng binata ko, dahil yun din ang unang uwi niya dito sana sa 2 taon niyang namalagi sa manila, at naway sana makapunta kayo." thursday pa lang naman ngayun, nandito pa naman kami sa sabado.
"Sige pupunta kami!" ngumiti ito at nag paalam na, pag alis nila nag lakad na kami papasok sa bahay.
Pag pasok sa bahay, ni lock ko lang ito at sinundan ng tingin si Stacey, pumunta ito sa kusina, kaya naman pumunta din ako dito naputol kasi ang aming pag uusap kanina.
"Stacey ano nga ulit yung sinasabi mo kanina?" tanong ko dito, ngunit tinapunan niya lang ako ng sandaliang tingin pag katapos ay nag lakad at nilagpasan ako, kaya naman kumunot ang noo ko at hinabol siya, nung nahabol ko siya bago makapasok sa kwarto, hinawakan ko agad ang kanyang kamay.
"Ano bang problema? hindi moko pinapansin simula pa kanina!" tanong ko dito.
"Bukas na lang tayo mag usap, sobrang napagod ako kanina." tumango ako at binitawan na siya, pumasok na siya sa kwarto niya at ako ay naiwan ngayun sa sala.
Umupo ako sa sofa at sumandal at pinikit ang mga mata. nahihirapan akong basahin ang emosyon na meron si Stacey ngayun, hindi ko siya maintindihan bigla bigla na lang mag babago yung pakikitungo niiya sakin, katulad na lang kanina pag tapos niyang awayin yung babaeng lumapit sakin bigla bigla naman nag sungit.
Pumasok na lang ako sa kwarto at nag linis ng katawan pipilitin kona lang matulog para naman mapahinga ang isip ko, bukas kona lang aayusin ang tampuhan meron samin dalawa ni Stacey.
Ngunit ilang oras na ang nakalipas pero hindi pa din ako dinadalaw ng antok, kaya naman napag isip-isip ko na lumabas muna ng kwarto iinom na lang muna ako ng tubig.
Pag labas ko napatingin ako sa kusina dahil bukas ang ilaw doon, dahan dahan akong pumunta dun nakita agad ng mata ko si Stacey na kumakain, nakagilid ito kaya hindi niya ako nakikita.
Dahan dahan akong lumapit at tumabi sakanya, nakita kopa sa kanyang reaction ang pagka gulat kaya naman napangiti ako.
"Hindi mo man lang ako niyaya, nagugutom na din ako kanina pa!" sabi ko dito.
"Sandali pag hahanda kita." ngumiti ako at tinitignan ko lang yung mga ginagawa niya.
Nag lapag siya ng plato at kutsara sa harap ko at nilagyan ako ng kanin at ulam.
"Thankyou misis ko!" natawa ako sa reaction niya dahil mas lalo pa itong nagulat.
"Tsk misis ko!" mahina pero narinig kung sabi niya, kaya naman mas lalo akong ngumiti.
"Gusto mo din na misis kita no ikaw ha" asar ko dito.
"Tsk asa ka, sinong may sabi sayong gusto ko aber?" tinaasan niya ako ng kilay, nilapit ko ang muka ko sa muka niya, nilayo nya ng kaonti ang kanyang muka dahil sa pag kailang kaya naman nginitian ko siya.
"Kasi hindi mo sinabi kay Akisha na hindi talaga tayo mag asawa." nagulat siya sa sinabi ko kaya tumawa ako yung tawa na hindi ganun ka lakas.
tama naman kasi ako kung ayaw niya sa sinabi ko pwede nyang kontrahin pero hindi niya ginawa, at isa pa kahit hindi na kay tita Joy niya sinabi kahit kay Akisha na lang pero kahit kay Akisha hindi niya sinabi dahil base sa mga sinabi at mga reaction na nakita ko kay Akisha mukang hindi niya nga alam ang totoong ugnayan namin ni Stacey.
Stacey's Point Of View
Hindi ko pinansin si kuya simula pa nung nag lilibot na kami sa may Fiesta, hindi ko alam basta nawalan ako ng gana nun.
Hanggang ngayun dito sa bahay ay hindi kopa din siya pinapansin ayaw ko kasi mag sagutan kami kaya mas pinili kona lang na manahimik, napapansin ko yung pag babago sa sarili ko hindi kona maintindihan kung anong nangyayare sakin.
Nakaramdam ako ng gutom kaya naman lumabas ako ng kwarto at pumuntang kusina. pag punta ko buti na lang madami pang pag kain hindi din kasi ako kumain masyado kanina dahil excited ako sa Fiesta. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng biglang tumabi sakin si kuya, nagulat pa ako sakanya.
"Hindi mo man lang ako niyaya, nagugutom na din ako kanina pa!" bat ba ngiti siya ng ngiti nakakainis.
"Sandali pag hahanda kita." kinuhaan ko sya ng kutsara at plato at nilapag sa harap niya, pag katapos ay nilagyan ko ng kanin at ulam.
"Thankyou misis ko!" mas lalo akong nagulat nung bigkasin niya yan.
"Tsk misis ko" bulong ko, nakita ko naman na ngumiti ulit ito kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.
"Gusto mo din na misis kita no ikaw ha" wow ang kapal ng face niya.
"Tsk asa ka, sinong may sabi sayong gusto ko aber?" tinarayan ko siya dahil ngumiti na naman ito.
"Kasi hindi mo sinabi kay Akisha na hindi talaga tayo mag asawa." nagulat na naman ako sa sinabi niya, tapos tumingin sakanya na naka kunot ang noo dahil bigla itong tumawa.
"kasi ano!" shit bakit ba hindi ko alam ang sasabihin ko, bakit nga ba hindi kona lang sinabi ang totoo kay Akisha.
"Binibiro lang kita, hindi mo kailangan mag paliwanag dahil gusto ko din tong pag papanggap natin!" kumain na lang ako hindi kona pinansin ang mga sinabi niya.
Habang kumakain kami bigla na naman siyang nag salita kaya napatingin ako sakanya.
"Pasensya na kung pinansin ko yung babae, nag tanong kasi siya sakin mahirap naman hindi sagutin hindi naman ako taga dun, umiiwas din ako sa gulo." tinignan ko siya sa mata.
"Ako dapat ang mag sorry kasi lagi akong nag papadala sa emosyon ko, iiwasan kona mag ganto palagi!" sabi ko dito.
"Ayos lang naman mag ganyan ka handa naman akong suyuin ka, nahihirapan lang ako minsan kasi hindi ko din maintindihan kung bakit ka galit sakin." ngumuso ako.
"kumain na lang tayo, baka kung ano pa ang masabi mo at hindi pa tayo matapos dito, ano oras na din!" nakatingin pa din siya sakin at nakangiti ito kaya napakunot ulit ang noo ko.
"antapang mo kanina ah, pinag lalaban mona ba ako!" tumawa ito kaya naman tumayo ako at hinampas siya sa braso.
"tapos na ako kumain, ikaw ang nahuli kaya ikaw ang mag liligpit bahala ka dyan!" iniwan ko siya at pumasok na agad sa kwarto at ni lock ito.
Omg naalala kona naman yung ginawa ko kanina, nag init lang naman ang ulo ko kaya ko nasabi yun, sabi kona nga ba dapat talaga tinapos kona agad ang pag kain ko para hindi na nakapag salita pa si kuya ayan tuloy kung ano ano na naman sinasabi, aasarin na naman ako nito nakakainis.
Nag pahinga lang ako sandali at humiga na gusto kona din matulog dahil balak naming mag swimming ni Akisha sa dagat, sandali lang din dinalaw na ako ng antok ko kaya naman pumikit na ako at natulog.
~MBIMSL
![](https://img.wattpad.com/cover/103900541-288-k319163.jpg)
BINABASA MO ANG
My Brother Is My Secret Lover (COMPLETED)
RomanceNag simula lahat sa isang simpleng pabor, hanggang napunta ito sa isang laro. Si Stacey Villanos ay isang kilalang mabuting tao at mapag mahal sakanyang mga magulang, kaibigan, nobyo at sakanyang kuya. Masaya ang pag sasama ng mag kapatid ngunit sa...