CHAPTER 28🌼

3.1K 37 2
                                    

MBIMSL~Chapter28

Max's Point Of View

Nakahiga ako ngayun sa kama ko at nakatingin lang sa kisame, ilang araw na din kaming hindi nag kikita ni Stacey, naiintindihan ko naman yung pinagdadaanan niya, hindi ko siya mapuntahan sa bahay nila dahil nung nag try naman ako hindi ako pinapapasok ni Dwight. habang nasa kalagitnaan ako sa pag tulala, biglang nag ring yung cellphone ko, agad akong napa upo at tinignan agad ang screen ng cellphone ko, medyo nadismaya ako dahil ang akala kung tumatawag ay si Stacey, ngumit hindi siya ito kung hindi si Step, sinagot kona ang tawag.

"Hello pwede ba tayo mag kita ngayun may gusto lang akong sabihin itetext ko sayo kung saan!" sumang-ayon ako, hindi na ako nag tanong pa kung bakit, dahil alam ko hindi sya basta basta makikipag kita sakin kung wala itong importanteng sasabihin.

Maya maya sinend niya na Yung lugar kung san kami mag kikita Nag Asikaso na ako at agad pumunta sa Lugar Na Sinend niya. Pag pasok ko Nanibago ako sa Lugar Sobrang tagal na Bago ako ulit makapunta dito.

"Matagal tagal na din nung huli kang nakapunta dito tama ba?" napalingon ako kay step na ngayun ay papalapit saakin.

"Oo, medyo madami na din nag bago, kayo naba ngayun yung nag aayos dito?" tumango siya at inabot niya sakin yung isang baso na may laman na alak kinuha ko ito.

"Oo, 0ero mas madalas dito si Dwight!" lumakad ako sa isa sa mga naka paint sa gilid.

"I see, by the way, ano nga palang dahilan kung bakit gusto moko makausap?" lumapit ako sakanya at umupo sa tabi niya.

"Kamusta na pala kayo ni Stacey?" tumingin ako sa ibang dereksyon at uminom muna bago sumagot.

"Maayos naman, hindi nga lang kami madalas mag kita ngayun!" Sagot ko

"I see, gusto ko lang sabihin na gawin mo lahat para mapalayo si Stacey kay Dwight, wag mong hahayaan na sobra silang maging malapit sa isat isa!" napatingin naman ako sakanya.

"Hindi ko naman pwedeng gawin yun, alam natin na sobrang mag kalapit silang dalawa at isa pa mag kapatid sila, at Kilala mo naman si Dwight hindi ako ganun ganun makalapit kay Stacey na kahit gustohin ko, alam mo na nag aaway kami!" tumingin siya sakin ng seryoso kaya naman naguluhan ako.

"Boyfriend ka niya, pwede mo syang puntahan kahit kailan mo gusto, basta gumawa ka ng paraan para hindi na masyadong mapalapit si Stacey kay Dwight." mag tatanong pa sana ako pero nag paalam na siya dahil kailangan na daw niyang umuwi nag paalam na ako sakanya. nung nakaalis na siya ako na lang ang naiwan dito, umupo ako at nag isip isip dahil hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lang ang mga sinasabi ni Step.

"Anong ginagawa mo dito?" napatayo ako at tumingin sa likuran ko.

"May dinaanan lang ako, aalis na din ako." tumingin siya sakin ng masama.

"Hindi kana welcome dito o kahit saan, dahil ako ang nag mamay-ari ng lahat." sinalubong ko ang mga tingin niya.

"Wala akong inaangkin sayo!" nag lakad ako palabas sana sa kwarto na yun, pero bigla siyang nag salita at dahil dun napahinto ako.

"Tigilan mona si Stacey!" napalingon naman ako sakanya

"Hindi ko magagawa yun, kung dati sinusunod ko ang mga gusto mo, ibahin mo ngayun, mahal ko ang kapatid mo!" bigla niyang hinawakan ang aking kwelyo.

Dwight's Point Of View

Papunta ako ngayun sa Hide out, ito yung tambayan namin ng mga highschool friends ko, kaso hindi na din sila nakakapunta dito dahil busy na, dahil sila ay college student na, at dito din ako madalas nag papalipas ng gabi kapag napapagalitan ako ni Dad noon, pag pasok ko bigla na lang napakunot ang noo ko, dahil andito si Max, nag lakad ako palapit sakanya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko mabilis naman siyang tumayo at tumingin saakin.

"May dinaanan lang ako, aalis na din ako!" sagot niya, tinignan ko naman siya ng masama.

"Hindi kana welcome dito o kahit saan dahil ako ang nag mamay-ari ng lahat!" lalong kumukulo ang dugo ko sakanya, dahil nakikipag sabayan sya sa mga tingin ko.

"Wala akong inaangkin sayo!" napapikit ako sa inis. nag lakad sya at nilagpasan ako, pero bago pa man sya makalabas nag salita ako.

"Tigilan mona si Stacey!" lumingon sya sakin at tinitigan ako.

"Hindi ko magagawa yun, kung dati sinusunod ko ang mga gusto mo ibahin mo ngayun, mahal ko ang kapatid mo!" sa sobrang inis ko lumapit ako sakanya at hinawakan siya sa kwelyo.

"Ilang beses kung sinabi sayo na wag ang kapatid ko, pero anong ginawa mo!" gigil na saad ko.

"Kung hanggang ngayun iniisip mona lolokohin ko siya nag kakamali ka, dahil simula pa noon prinsesa na ang turing ko kay stacey, Dwight hindi ako katulad mona babaero alam mo yan!" dahil sa sobrang pag kainis ko hindi kona napigilan na hindi sya suntukin.

"Kung hindi ka madadaan sa gantong usapan pwes magsisi ka!" nilagpasan ko siya at iniwan syang mag isa doon, sumakay ako sa kotse ko at napa suntok sa manebela.

Nag flashback lahat saakin kung paano nakilala ni Max si Stacey.

Flashback:

Maaga kami pinauwi ngayun dahil may meeting daw mga teacher, so napag isip isip namin ni Max na tumambay muna sa bahay dahil din maaga pa naman at ayaw din ni Max umuwi ng maaga, pasakay na sana Kami Sa kotse ng biglang sumigaw si Stacey.

"Kuya sandali sasabay ako!" hinintay namin pumasok si Stacey sa sasakyan bago paandarin ito, habang nasa byahe kami sobrang traffic kasi sa highway, kaya medyo natagalan kami makauwi. nag kwekwento si stacey ng mga nangyare sa school nila, so nakikinig lang ako, napansin kung tahimik si Max kaya naman tinapik ko siya.

"Bakit ang tahimik mo?" Patawang sabi ko ngumiti lang ito imbis na sumagot, hinayaan kona lang sya.

Pag dating namin sa bahay nag pakita lang kami kay dad at mom, pagka tapos tumambay kami ni Max sa garden, maya maya nag salita sya kaya naman napalingon ako.

"Ang ganda pala ng kapatid mo, pakilala mo naman ako oh, antagal na natin mag kaibigan pero hindi mo man lang sinabi sakin na may kapatid kang babae." binatukan ko sya.

"Hindi pwede, iba na lang pre wag utol ko!" so ayun nag kwentuhan lang kami.

Mga ilang araw mapansin kona palaging umaalis si Stacey at madalas naman busy si Max, hindi kona din sya nakakasama. may mga naririnig akong bulungan sa mga barkada namin na may pinopormahan daw si Max, kaya ayun dahil para kona naman syang kapatid, tinanong ko sya kung totoo ba yung bali balita, ngumingiti lang siya.

Nung isang gabi may naiwan ako sa locker ko, kaya naman binalikan koto kahit late na, pag lakad ko may naririnig akong pamilyar na boses kaya tinungo ko kung saan galing yung boses, medyo madilim na din kasi pinatay na yung ilaw dahil wala na nga mga studyante. Pag tingin ko sa may gilid ko nakita ko si Max napangiti naman ako kaya pala pamilyar kasi sya pala yun, kukuhain ko sana yung cellphone ko para kuhaan sya ng larawan para maasar bukas. pero nung itatapat kopa lang sana yung cellphone ko bigla kung nakita na hinalikan ni Max yung kausap niya.

Pag alis ng ulo niya nakita ko yung babae na hinalikam niya, si Stacey iyon, agad uminit ang ulo ko at nasugod sya, nakita ko sa muka nila ang pag kagulat.

"Tangina Sinabihan kita diba, wag ang kapatid ko!" hindi kona siya hinintay pang mag salita hinila ko si stacey paalis dun. dun ko nalaman na boyfriend na pala ni stacey si Max at alam na din nila mommy at daddy ang tungkol dito, kung sila mommy at daddy ay natanggap yun ako Hindi.

End Of Flashback

~MBIMSL

My Brother Is My Secret Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon